why(girlxgirl)

4 0 0
                                    

'megs'

Umuulan nanaman at lumalamig nanaman ang paligid, makikita ang mabilis na lakad ng mga tao,

nagmamadali,

takot silang mabasa sa lakas ng bagsak ng ulan pero why even trying kung basa naman na talaga sila.

Minsan talaga magulo ang mundo kasing gulo ng traffic sa edsa kasing lalim ng Pacific ocean at kasing kapal ng bangs ng katabi ko,

nakakapagtaka kung bakit kailangan pa niyang magsalamin at magpalda ng mahaba para lang maging mukhang manang kung pwde naman siyang magdamit ng normal na istudyante,

tradition naba nila yan o sadyang badoy lang talaga siya. Napahinto ang pagsusuri ko sa kanya ng may humintong kotse sa harapan ko

tumalsik ang tubig at dumapo ito sa damit niyang pang 80's pa ata,

Ramdam kong nilalamig siya sa kabila ng kapal ng bangs niya,

pinagpagan niya lamang ito at inayos ang salamin.

"maam megan, pasensya na po't natagalan ako alis na po tayo"

itong matandang to talaga hindi marunong tumingin sa orasan mag aalasais na, 5 palang dapat nasa bahay na ako at kumakain ng potato chips habang nanonood ng paborito kong palabas.

"ayos lang mang ben"

tumayo ako at sumunod sa kanya sa kotse ngunit naalala kong mag-isa na pala siya ngayon sigurado naman akong hindi siya pagpipyestahan ng lamok sa haba ng palda niya,

tinignan ko siya at para siyang nakukuryente sa tindi ng nginig niya, tinanggal ko ang suot kung jacket at nilagay sa balikat niya.

Napaangat ang tingin niya sa akin wari nagtataka.

"keep it".

______________

Bwiset.

Yan yung gusto kong sabihin sa alarm clock ko ngayon ugh. Inayos ko na ang sarili ko at bumaba sa kusina,

bakit ang daming-

"megs Good morning!"

-pagkain sa table?

"grabe pinaghandaan mo talaga ang pagdating ko ah nagpahanda kapa ng maraming pagkain, lab na lab mo talaga ako"

wagas ang ngiti ng damuhong to.

"ialis mo yang pagmumukha mo sa harap ko"

sa talim ng tingin ko sa kanya wish ko na naglupasay na siya at nangisay sa sahig,bwiset.

"chill dude, naisipan ko lang namang magpaluto kay manang sexy ng madami, kasi baka gutom na gutom ka, concern lang ako sayo"

kumikislap pa ang mga mata niya, mukha siyang aso, asong kalye na napabayaan at napuno ng rushes ang katawan.

Bumuntong hininga ako't inayos ang damit kong nagusot dahil sa pagmumukha niya. Mukhang maganda ang panahon ngayon hindi ata uulan. I sigh again,
sa lahat ng bwibwisetin, ako pa talaga ang napili niya.

"hatid daw kita sabi ni bro jem"

napakunot ang noo ko, kailan ko pa siya naging driver ng ganito ka aga, pinasadahan ko siya ng tingin.

"i don't have a choice and wala itong bayad promise"

naglalaro nanaman ang malapad niyang ngiti.bwiset.
Kuya anong meron umalis kana naman ba? tumingin ako sa labas, gusto ko talaga dito, makikita ang malawak na garden mula dito.

flashback

'kuya may butterfly oh'

tumatalon na sabi ko, ang ganda nila. Hindi ko man lang maalis ang tingin ko sa kanila, baka kasi mawala sila bigla sa paningin ko.

'haha wag kang magaslaw megs sige ka iiwan ka nila'

nakapikit na sabi ni kuya jem, hindi ko talaga siya maintindihan, pupunta siya dito para lang humiga at matulog sa malaking punong ito. Pakiramdam ko tuloy ako lang ang nakakakita kung gaano ka ganda ang mga bulaklak na narito. Ngumiti ako at pinagmasdan ulit ang mga paro paro.

'hindi mo kailangan makita ang paligid para lang masabi na maganda ito, minsan pakiramdaman mo, doon mo masasabing maganda nga talaga sila'

kuya.
end of flashback-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

why(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon