Wala na..

55 1 4
                                    

"Wala na.","Ayoko na..","Pagod na ko..","Kaibigan nalang.."

 Mga salitang kapag naririnig ko ay nagpapaalala lang sakin ng aking nakaraan sa piling niya..sa tuwing naririnig ko ito,naaalala ko ang mga masasayang ala ala na napagdaan namin,mga problema,mga dates at kasweetan at "ang araw" na iyon..

 "Ayoko na..pwede bang kaibigan na lang tayo?"

"...."

 Halos hindi pa nasasagap ng utak ko ang mga salitang iyon na binitiwan ng babaeng mahal ko.

"Hindi na kita mahal..sorry.."

 Pag kasabi niya nun,parang may tumusok na kung ano sa puso kaya feeling ko,parang mababarag na ito at magkapira piraso..

 Pinipilit kong wag umiyak,pero parang may rumaragasang ilog sa puso ko na pumipilit sa aking mga mata na ilabas ang umaapaw na luha..

 'Ayoko ko bumitaw' yan ang nasa isip ko,pero mapagpipilitan ko ba yan kung wala na siyang nararamdaman para sakin,mapipilit ko pa ba siyang mahalin ako at iuna tong kaselfishan ko?

 Mahal na mahal ko siya pero parang ako siya ayaw na niya sa akin.

"Hanggang dito na lang ba tayo?Magtatapos na ba tayo?"

".....ayoko na..sawa na ko sana maintindihan mo.."

 PANGHIHINAYANG 

 Nanghihinayang ako..2nd anniversarry sana namin ngayon..sana..

 Pinatawag niya ako kanina,medyo natuwa naman ako dahil akala ko may sorpresa siyang hinanda para sa aming anniversarry,akala ko may regalo siya para sa akin..and I'm not half wrong about that..may surprise nga siya pero iba sa inaasahan ko..

 Bigla kong naalala ang 2 years composed of good memories namin..akala ko kami na forever..hindi nga talaga totoo yung salitang forever..

 "Ayieeee,tabi sila!!"

 Tukso sa amin ng amng mga kaklase kasi makakatabi ko buong grading ang ultimate crush ko na si Maria.

"Hello!"

 Bati niya sakin kaya tumibok ng mabilis at malakas ang aking puso.

"Ah..he-hello.."

 Nauutal kong sagot sa kanya,medyo nahihiya pa ako..pano ko ba siya iaapproach?

 Break time namin,kinausap ako ng bestfriend kong si May.

"Mahal mo diba?Bakit hindi mo ligawan?"

 Oo,mahal ko nga..pero ang isang torpeng katulad ko,magagawang manligaw sa isang babaeng tulad niya?Madaling sabihin pero mahirap gawin..

"Oy guys,mamaya yan football tayo sa Queensbourough!!"

 Yaya ni May sa mga kaklase namin,as if namang sasama si Maria.

"Sige!Sama ko!"

 Well,mali ako..sasama nga si Maria.Eto na ang chance ko..sasabihin ko kung ano ang nararamdaman ko sa kanya mamaya.

 Nasa Queensbourough na kami,naghihintay pa kami ng ibang pupunta pero nagsalita na si May.

"Maria,gusto ka daw makausap ni Rey."

 Tinulak niya ko at pinahiram sakin yung bike na dala niya at ngayon nasa bike kami ni Maria at ako ang nakadrive siya nakaangkas.Nakayakap ang kanyang mga braso sa akin.

"ahhh..bakit Rey?"

 Napansin ata ni Maria tong uneasiness ko,bakit ganito?Natotorpe nanaman ako..feel ko ang awkward ng sitwasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala na..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon