RADIO

32 4 0
                                    

... First time kong gumawa eh! But i hope you like this short story!!

............... I HOPE YOU LIKE THIS SHORT STORY THAT I MADE..........

 

        Nakikinig ako ngayon ng paborito kong kanta sa Radio entitled "AKIN KA NA LANG" by itchyworms. Inilagay ko ang aking earphones sa aking tenga at nakinig.

        Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Diane Claire Sebastian, 16 yrs old. I always love listening music when im alone , like now walang pasok at ako lang dito sa bahay kaya habang nakikinig ay gumagawa din ako ngayon ng project namin sa chemistry.

        At biglang may kumatok.

        Sino naman kaya itong walang hiyang istorbo. Tanong ko sa aking sarili.

        Lumapit ako sa pintuan at binuksan. Nakita ko ang nakangitig mukha ng aking bestfriend na si Carlos Jake Altamonte, 17 yrs old. Mas kilala ito sa palayaw na CJ sa school dahil isa ito sa pinakamagaling na basketball player at ultimate crush ng mga babaeng estudyante sa school.

        "Tama nga ako nandito ka lang sa bahay kasama yang boyfriend mo" sabi nya sabay turo sa radio ko. Parang boyfriend ko raw ito dahil palagi kong kasa kasama. "at yan ang ikinaseselos ko"mahinang saad niya.

        "Ano?"

        "Wala. Oo nga pala may sasabihin ako sayo"

        "Ano yun?" may magandang balita siguro ito

        "Ipagtatapat ko na ang nararamdaman ko sa babaeng matagal ko ng gusto"

        "H-huh?"

        "Tanggalin mo nga yang nasa tenga mo" hinila nya ang earphone na nakakabit sa Radio ko. Pero bigla siyang napahinto , nang marinig niya ang kantang pinakikinggan ko.

===KATAHIMIKAN===

        "Bakit?" tanong ko sa kanya

        "W-wala. Ahm mabuti ka pa malapit mo nang matapos ang project natin sa chemistry, ako hindi pa eh!"

        "Ang kupad-kupad mo kasi"

        "Hehehe. Kapag kasi natapos mo ng sayo, yong sa akin sayo ko ipapagawa."

        "Sira!! Ayoko nga"

        "Sige na, chaba ching-ching. Please..."

        Kaya di ko ito mahindian eh kasi nagpapuppy face na naman ito sa akin naa siyang dahilan ng paglakas ng tibok ng puso ko.

        "Oh siya!! Tutulongan nakita"

        "Thank you, chaba ahing-ching --"

        "--Hep" akmang yayakap sa akin. "wag mo nga akong tinataeag ng ganyan, hindi na ako mataba noh" Dati kasi ay napakataba ko, kaya noong bata pa kami palagi nya akong tinatawag na chaba ching-ching. At ngayong dalaga na ako ay hindi na ako mataba pero ganun pa rin ang tawag niya sa akin. "At wag mo akong yayakapin"

RADIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon