" Tyre? " Hindi ako sigurado kung may tumawag ba sa pangalan ko o kung guni-guni lang ba. " Tyre! Ikaw nga, Tyre Castillo! " Lumingon na ako at okay, may tumawag nga sa pangalan ko.Naka tingin ako sa kanya habang naglalakad siya papa-lapit sa akin. 4 years na rin pala.
" Enebeyen, Tyre! " Hinampas niya ako sa braso. Nginitian ko siya at tinanguan.
" Hi, kaz. "
She's Kazumi Mirai. Nakilala ko siya 4 years ago, seniors year. Hindi kami close pero block mates kame. Hindi kase ako pala kaibigan, ayos nako sa barkada kong mga loko. I took Political Science back then, gusto kase nina dad na mag take ako ng law. Dapat si Tone talaga ang maglo-lawyer pero wala, hindi yun ang passion niya. Sikat na artista na nga yung baliw kong kambal na yun eh, I'm proud of him. Pero ako? Heto nag a-aral pa din.
Walang thrill ang buhay ko. Puro aral aral at aral lang. Wala naman akong magawa kaya tinanggap ko na din.4 years ago, napaka boring ng buhay ko, sabagay hangang ngayon naman. Pero nung nakilala ko si kaz? Hindi naman gumulo pero nabulabog.
" Kumusta kana? Grabe! Ang gwapo mo parin hihihi. " Tinanguan ko siya at ngumiti ulit.
" Busy ka ba? " Umiling lang ako at isinabit ng ayos ang bag ko sa balikat ko." Ahm. Balita ko may cafe daw si crion malapit dito? Gusto ko sana pumuntaaaa! " Tinanguan ko lang siya at naglakad na. Naiilang ako.
Paano ba dapat ang maging reaksiyon ko?
Malapit lang naman talaga ang Sufrim Cafe sa plaza kaya mabilis din kaming naka punta ni kaz. Ikatlong beses ko nang napuntahan ang Sufrim cafe dahil paborito ni kylie yung nachos dito. Umupo kami sa may bandang dulo, sa part na may naka sulat na 'Nasa point na ako ng buhay ko kung saan wala na akong pakielam sa mga point ng buhay niyong pointless.'
Tskk. Lakas talaga ng trip ni krayola.
" So? Kamusta kana, lover boy? "
She used to call me that way, pero nabu-bwisit ako noon tuwing tatawagin niya ko nun. Akala niya kase gusto ko yung Muse sa batch namin." Nag-aaral pa din. Ikaw? "
" Heto, ikakasal na. Maid of honor ko kaya si sachi! Wala ba siyang nasabi sa inyo? "
I was taken a back-- Ikalasal na siya.
" Oo nga pala, lumayo pala siya sa barkada after ng break-up nila ni tone. Grabe yung dalawang yun! Ang daming alam, bagay na bagay paman din sila hayyy naku. Ang buhay talaga nakaka loka! " Natawa siya sa sinabi niya. Lumapit na yung isang crew at kinuha na ang order namin, siya na yung nag order dahil first time daw niyang pumunta dito.
November yun, napasama siya sa barkada dahil kay sachi. Girlfriend ng kambal ko, noon. Hindi ako pala-salitang tao pero pag sa barkada medyo may pagka baliw din ako. At mas lalo akong nabaliw nung naging close kami ni kaz. Kaklase ko siya sa lahat ng subjects at sobrang kulit niya, December 1 yun nung nag announced ang school na may prom sa February. Matagal pa naman pala, excited lang daw yung dean. Lahat sa barkada may partner na, kahit nga si cath na pinaka bata samin meron eh. Ako lang yung wala.
December 12, papunta ako sa canteen ng matapunan ako ng suka nung isang babaeng maganda. Sakto namang tumatakbo palapit sa akin si kaz, agad niyang pinunasan yung suka na natapon sa uniform ko. Nasa state of shocked pako nun kaya hindi ako maka-galaw o makapag salita man lang. Nag sorry na nga yung magandang babae pero wala eh, siya lang yung nakikita ko.
" Huy! Ikaw ah! Gusto mo ba yung si kylie ha? Crush mo ba ha? Tutulungan kita sige! "
February 11, sinagot ako ni Kylie. Muse sa batch namin, diko naman talaga siya gusto eh. Wala naman akong magawa dahil si kaz ang may gusto nito. Hangang sa prom night, nakita ko si kaz kasama ni Shinji. Kilalang player ng basketball sa campus namin. Sila na pala. Hinayaan kona. I'm nothing compare to shinji, I'm just a boring plain guy. After graduation naki pag break na ako kay kylie at humingi din ng sorry.
A week before that naka plano na ang pag-aaral ko sa law school sa Canada. At after graduation din ang alis ko.
BINABASA MO ANG
HOW WOULD YOU FEEL?
Short StoryONE SHOT STORY How would you feel? If I told I loved you.