Mr. Dreamboy Checklist

24 0 0
                                    

Alam mo bang sa tuwing nakakakita ako ng lovers, naiinggit ako. Kasi parang hindi ko naman naexperiece yung sweetness na nakikita ko sa kanila. Nakakainggit kasi parang hindi ko naman ata naranasan na ako yung ipaglaban ng taong mahal ko. Yung tipong ako na lang palagi yung lumalaban. Tapos in the end ako pa rin yung masasaktan.

Kaya madalas akong mangarap ng taong gusto kong makasama habang buhay, yung taong hindi ako mapapagod mahalin, yung taong alam kong hindi ko iiwan. Simple lang naman ung gusto ko e.

'yung taong hindi gwapo pero presentable pag hinarap ko sa pamilya ko.

Hindi niya kailangang maging matalino, sapat na yung pagiging edukado.

Yung tipo ng tao na kontento na sa itsura at timbang ko.

Yung tao na hindi ako ippressure magsuot ng girl clothes.

Gusto ko yung tao na may takot sa diyos.

Yung tao na hindi ako sasaktan physically kasi alam niyang mali ang manakit ng babae at dahil may respeto sya saken bilang babae.

Yung tao na pag galit, ipapakita niyang galit sya, hindi yung nagpapanggap na okay sya pero hindi naman pala.

Yung tao na susuportahan yung mga trip ko sa buhay at magagalit pag kalokohan na yung mga ginagawa ko.

Yung taong hindi ako pagbabawalan sa gusto ko kasi may tiwala sya saken.

Yung taong takot gumawa ng kasalanan kasi ayaw niyang masaktan ako.

Yung taong kapakanan ng pamilya at relasyon namin ang priority at hindi yung ibang tao.

Yung taong mataas ang pangarap para sa mga anak namin.

Yung taong gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya niya.

Yung tipo ng tao na marunong rumespeto sa pamilya ko at pamilya niya.

Yung tao na hindi ako ipagpapalit sa iba kasi masaya na siya saken.

Yung taong hindi mapapagod na malaman yung mga gusto ko.

At higit sa lahat yung tipo ng tao na hindi papatulan yung tantrums ko kundi tutulungan niyang maaging mature para mawala yung tantrums na ito.

Yung taong marunong magpatawad.

Yung taong marunong magpasaya.

Yung taong hindi alam ang salitang "abuso".

Yung taong patas.

Yung taong hindi taktakbo sa problema kundi sasamahan akong harapin ang problema.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Dreamboy ChecklistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon