KUYA POGI
By:CrazyAea
Nagtataka kayo bakit yan ang title?
Taka nga rin ako bakit yun ang tawag ko sakanya eh.
Ang tinutukoy ko ay si kuya poging laging nagjojogging dito sa umaga.
Lagi kong nakakasabay pag nagjojogging ako.
Lagi kong sinusulyapan pag nageexercise ako.
Hays ang hirap iexplain! Basta sa ilang weeks kong pagpupunta dito sa park,hindi ko inaasahan na nahulog na pala ako kay kuya pogi.
------
Nagsimula lahat nung nang aya mama ko kagabi na magexercise sa park.Kahit labag ito sa akin,dahil maaga na naman akong gigising kahit alam kong bakasyon na,pumayag nalang ako at sumama.
PARK
Ala sais na ng umaga nang dumating kami ng mama ko sa park.Nalaman kasi ni mama na may aerobics na nagaganap dito sa park.Sumama na si mama sa kaibigan niya at nag aerobics.Ako naman,nagjogging nalang ako.Nilibot ko ang buong park.Nung napagod na ako ay umupo ako sa isang bench.
"Nakakapagod naman magjogging." Sabi ko sa sarili ko.
Natawa na rin ako sa sarili ko kasi hindi naman ako mataba para mapagod agad.Naka isang lap nga lang ako eh.Nilibot ko nalang ang tingin ko sa park.
Di ko talaga alam na may gigising ng ganitong oras para lang magexercise ng maaga.Diba pag bakasyon na ,maraming nagpupuyatan? Yung halos tanghali na lang ang gising nila.Pero mangha naman ako sa mga nageexercise.Mapa bata man o matanda,marami ring kabataan,pursigido silang mag exercise para sa kalusugan at sa goal weight nila.
Sa paglilibot ng mata ko,may isang taong nakakuha ng atensyon ko.Nagjojogging rin siya at napadaan sa harap ko.Hindi ako kumibo,hindi ako lumingon para tignan ulit siya.Diretso lang ang tingin ko kung saan ko siya na kita.
"Kuya Pogi." Yun ang mga salitang lumabas sa bibig ko.Ewan ko kung bakit yun ang nasabi ko.
Lumingon ako sa kinaroroonan niya.Nagjojogging pa rin siya.
Tumayo ako sa inuupuan ko,at nagsimulang magjogging ulit.Yung pagod na naramdaman ko kanina,akalain mong bigla nalang nawala.
Nawala lahat ng pagod,nung nakita ko siya.
Ang corny noh? Aba'y ewan ko,nagjogging lang ako.
Nung nagjojogging,di ko maiwasang tumingin sakanya.Ang pogi niya kasi eh.Maidescribe ko nga.
Hmmm,matangos ilong.I think he has the most gorgeous eyes of all men.He have this *gulp* kissable lips.Healthy body pero bakat sa katawan niya ang *gulp* abs.Minamanyak ko na siya haha.All in all,dapat itawag ko nalang siya chinito,ayos na rin siguro ang kuya pogi as his nickname.
Nung medyo bumagal na siya,bumagal din ako.At akalain mo yun,ang pogi pa rin niya kahit pawis na pawis.
Habang naglalakad,siya lang talaga tinitignan ko.Tapos biglang tumingin sakin si kuya pogi.
PATAY! Baka nahalataan na ako nito.Kaya ito no choice,tumakbo ako.Sa sobrang bilis ko,hindi ko na siya makita.
"Muntikan na ako nun ah." Tapos bumagal na takbo ko at nagjogging na.Jogging lang ako ng jogging pero napapansin ko pa rin siya.Hindi ako tumigil kakatakbo.Ni hindi ko na mabilang kung nakailang laps na ako.
Nung nakaramdam na ako pagod,di ako umupo,bumagal lang ako.Kahit pawis na pawis na talaga ako,gusto ko pa siyang makita.Sinabi ko sa sarili ko na last lap nalang. Gusto ko siyang makita one last time.Umikot na ako ng buong park,nilagpasan ko na ang nagsisilbing finish line ko pero di ko na siya nakita.
BINABASA MO ANG
KUYA POGI
Teen FictionSiya si Kuya Pogi.Ang crush ko sa park.Ako naman si Angel,nagpapakatanga na sayangin ang oras ko para lang sundan siya.Obsess? Hindi naman.I like him so much. Nagkagusto ako sa isang estranghero.(stranger) All Rights Reserved 2014 CrazyAea