Ano nga ba ang totoong istorya ng Kuya Pogi?
Sa totoong buhay,totoo si Kuya Pogi.
At totoong nakikita ko siya lagi sa park na nag eexercise.
Sabihin ko na nga yung totoong istoryang nangyare.
--------------------------------------------------------------
Oo,totoo si Kuya Pogi.
Pero hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya.Kaya tinawag ko siyang kuya pogi,kasi pogi siya <3 heart heart
(Sa mga nakabasa ng unang part,nabasa niyo ang pangalang Wilfredo "Nico" Alba.Siya po ay isang taong kilala ng manunulat.Kung tatanungin niyo kung pogi siya,search niyo na lang sa facebook kasi wala kayong makukuhang sagot sa author.)
Totoong nagpapakatanga akong gumising ng umaga para lang pumunta sa park at mag exercise kahit bakasyon.May inspirasyon nga kasi.
Tawag ng iba sa akin ay Angel dahil mukha daw akong anghel.Pilyang kerubin nga lang,sobrang daldal at makulit.Bakit nga ba akong nagsasayang ng oras na gumising ng maaga?
Kasi gusto kong makita si Kuya Pogi.
Aaminin ko,namiss ko agad yung pagsabay ko sa kanya noong tumatakbo kami sa buong park.Namiss ko yung bigla siyang titingin sa akin kasi nakatingin ako sa kanya.Namiss kong makita yung abs na bakat sa kanyang fitted na sando.Namiss ko yung ngiti sa labi niya.
Crush ko pa rin ba ang taong ito?
Hindi na ata eh.
Lagi ko na siyang hinahanap eh.Hindi naman obssesion yun.Bumibilis nga tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin ng ilang inches.
Oo,nalalapitan ko siya ng 8 inches.Dahil yun sa bilis ng takbo ko.Ayos talaga mag exercise,tumataas stamina ko.
Kamusta naman kami? Walang pinagbago.Nasa stranger level pa rin ako.Siguro kilala niya ako,sa mukha nga lang.Di niya rin alam pangalan ko,kahit kilala na ako ng halos lahat ng mga taong natatagpo niya sa daanan.Secret ko na yun kung paano ako naging kilala sa ibang tao.
Ito na nga ako eh.Nakaupo sa may swing habang siya tinatapos ang 100 laps niya.Pang 54th palang siya.Binibilang ko talaga.Creepy ba? Sabay lang kaming tumakbo kaya alam ko,nagpahinga lang ako.
Huling araw ko na ito eh,gusto ko na siyang lapitan at magpakilala.Hindi naman sa lumalandi,gusto ko lang maging kaibigan siya kahit papaano.Wala naman sigurong masama kung babae ang unang lumapit diba? Meron nga,babae nanliligaw sa lalake diba? Sabi nga nila,wala nang time magpaka-Maria Clara.
Patapos na siya,bigla akong nanlamig.Aamin ako sa isang estranghero(stranger).Aamin lang naman diba? Hindi pa naman niya alam na gusto ko siya eh.Ang malalaman niya lang ay crush ko siya.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.Hinanap ko siya at nahuli ko siyang umiinom ng tubig.
Kaya mo ito Angel
sabi ko sa sarili ko.Kinuha ko yung yakult na binili ko para sa kanya.Cheap pero sabi sa akin nung tindera makakatulong daw ito sa mga tumatakbo eh.Naglakad na ako patungo sa pwesto niya.
BINABASA MO ANG
KUYA POGI
Teen FictionSiya si Kuya Pogi.Ang crush ko sa park.Ako naman si Angel,nagpapakatanga na sayangin ang oras ko para lang sundan siya.Obsess? Hindi naman.I like him so much. Nagkagusto ako sa isang estranghero.(stranger) All Rights Reserved 2014 CrazyAea