New Boyfriend

9 2 3
                                    

Clarence P.O.V.

Flashback

Nasaan na kaya yung babaeng yun ang tagal bumalik. MagcCR lang naman.

"Sir! Can I go out?" Paalam ko kay sir. Tumango nalamang sya bilang sagot atsaka bumalik sa pagtuturo.

Lumabas ako ng room para hanapin si Jade. Habang naglalakad ako may napansin akong babae at lalaking naghahalikan, hindi ko na sana papansinin yun pero nagulat ako ng makita ko na si Jonathan at Jade pala yun. Hinayaan ko muna sila ng sandali upang makasigurado na gusto talaga nilang gawin yun. Nakitang pinasok ni Jonathan ang kamay nya sa blouse ni Jade at sa panahong yun hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ako ng tuluyan at sinuntok ng malakas si Jonathan upang mapatumba ko sya. Sinundan ko pa iyon ng sunod-sunod na suntok dahil ayaw ko na may nambabastos sa taong mahal ko. Oo mahal ko si Jade kahit hindi nya alam,dahil ayaw ko na lumayo sya sakin....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jade's P.O.V

Kasalukuyan ako ngayon na nasa clinic at binabantayan si Jonathan. Hindi ko na kasama si Clarence dahil ayaw kong sumama pa sya dahil lang dito. Hanggang ngayon wala pang malay si Jonathan, pero ang sabi naman nung nurse ok lang naman daw sya hindi naman ganun kalala. Kinuha ko ang cellphone ko para icheck kung anong oras na. Recess na pala, lalabas na sana ako ng marinig ko ang pagungol ni Jonathan. Nakita ko syang gising na kaya bumalik ako sa pagupo.

"Sorry sa ginawa ni Clarence sayo ah? Bakit mo ba kasi ginawa yun? Sabi ko na kasi sayong wala ng tayo" sabi ko sa kanya. Nakita ko ang mga mata nyang halatang malungkot.

"Ano ka ba! Bagay lang na nangyari sakin to. Hindi tama ang ginawa ko sayo kaya humihingi ako ng tawad sayo" sabi nya sabay ngiti. Sinuklian ko naman ang mga ngiting iyon.

"Teka dyan ka muna ah! Pahinga magrerecess muna ako, tsaka hahanap ako ng bago haha" sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Sige pakabusog ka! Sana makahanap ka haha eh halos lahat yata ng lalaki dito naging boyfriend mo na yata!"

Dinilaan ko lang sya tsaka umalis na. Pumunta muna ako ng room para puntahan si Andy sabi nya kasi sabay kaming magrecess. Pagdating ko sa room wala si Andy pero nandoon naman si Clarence kaya pumunta ako sa kanya.

"Oh! Musta pala si Jonathan? Ok na daw ba sya?" Tanong nya sakin.

"Ok na gising na sya. Teka bakit hindi ka pa lumalabas?" Sabi ko.

"Hinihintay lang kita."

"Ganun ba? Sige tara na!" Pag-aaya ko sa kanya. Bago kami lumabas napansin ko yung tranferee tsaka si Dea?? Magkasama sila at magkahalikan pa.

Kalandian talaga tapos yung tranferee pa?

"Clarence bakit magkahalikan yung dalawang yun?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina pa nga yang dalawang yan ganyan eh!" Sagot nya. Hindi nalang namin pinansin pa yun at umalis na kami. Dumiretso kami sa canteen at pumila para bumili ng pagkain.

"Anong gusto mo?" Tanong ko kay Clarence.

"Ikaw! Haha!" Nagulat ako sa sinabi nyang yun. Binatukan ko sya sa inis ko.

Lover's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon