Chapter 1

1 0 0
                                    

Isang puting kisame ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. Nasaan nga ba ako bakit tila puti lahat ng nakikita ko? Nasa langit na ba ako? Tsaka ko lamang napagtanto na ako'y nasa Ospital nang may nakita akong nakakabit sa aking kamay na pinagdadaluyan ng puting likido.

Ngunit nagulat na lamang ako ng makita ko ang dalawang pares na mata na nagmamasid sakin.

"Josh"

Ang lakas ng tibok ng puso ko para itong sasabog at gustong kumawala. Gustong magwala sa labis na tuwa.

" Bakit, mo yun ginawa?"

Isang malamlam na boses ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

"Bakit"

Tipid ngunit maowtoridad na baritinong boses ang kumawala mula sa kanyang mga labi.

"Bakit? ,Ang alin"

Tanong kung pabalik sa kanya.

"Bakit mo tinangkang magpakamatay, Bakit mo tinangkang tapusin ang buhay mo ng dahil sa akin."

Tanong niya, Isang ngiti ngunit makabuluhan ang ipinakita ko sa kanya.

" Nahihirapan na ako,Napapagod na ako, Nasasaktan na ako, Di ko na kaya"

"Hindi ko hiniling na mahalin mo ko, Hindi ko hiniling na ibigay mo ang oras at panahon mo para sa akin. Wala akong hiniling ni kahit na sa iyo"

Sambit niya.

"Hindi mo hiniling ngunit binigay ko,Hindi mo hiniling na mahalin ko ang isang tulad mo, Hindi mo hiniling na iaalay ang buhay ko sayo. Ngunit ginawa ko iyon kahit di mo hiniling dahil labis kitang minamahal higit sa pagmamahal na ibinibigay ko para sa sarili ko"

Muling namayani ang katahimikan sa pamamagitan naming dalawa. Nakakabingi, Walang nagsalita pagkasambit ko sa mga salitang tila punyal na tumarak sa puso niya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Magpapahangin lang ako"

Yun na lamang ang nasambit niya bago lumabas. Naiwan akong mag isa at sinariwa ang mga alaala. Na Hindi ko namamalayan nagsilabasan na pala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Not Your Typical LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon