PROLOGUE ~
Triangle. Ang pinaka unfair na shape dahil yun ang nagpapatunay na hindi fair ang buhay. tatlo ang sides ng triangle kahit baligtarin mo man ang mundo laging may isang maaiiwan, may isang masasaktan, yung dalawa masaya pero yung isa maiiwang luhaan.
-Seth Gothica
Brittany Claire & Nathalie Blaire Anderson
The Famous Twins. Popular hindi lang sa Huston High kundi sa buong town nila. Dahil sila ang anak ng sikat na Charlotte Natasha Lim at Carl Brian Anderson. Naging famous sila hindi lang dahil sa pagiging prodigy nila kundi dahil na rin sa kanilang uniqueness. Identical twin sila pero mahahalata mo kung sino si Blaire at Claire dahil na rin sa kanilang aura.
Si Brittany Claire Anderson ay isang child prodigy. Full-packaged ika nga. Beauty, Brain, Money and Attitude. Si Claire ang kaibigan ng lahat. Palangiti, Masayahin, Matulongin, magalang at down to earth. Lahat ng positive traits nasa kanya na. At kabaliktaran naman nun si Nathalie Blaire Anderson. Isa din siyang prodigy. Meron din siyang Beauty, Brain, at Money. wala ngamlang attitude. Conceited, Insensitive, Bossy, at lahat ng bad traits na maisip mo nasa kanya na.
Ang storyang ito ay iikot sa limang trianggulo. Ito ay kwento ng pagmamahalan, pagkakaubigan, at pamilya.