Nathalie Blaire Anderson's POV
"So anak, ready ka na ba for school?" Masiglang tanong ni mommy saken habang kumakain kami ng breakfast. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinuloy ang aking pagkain.
"Anak, nag-usap na tayo tungkol dito diba?" sabi ni mommy.
"Ikaw lang naman ang may gusto nito. Hindi naman ako pumayag dito eh." Pabalang na sagot ko sa mommy ko.
"NATHALIE!" saway ni daddy saken. "Ba't di mo gayahin ang kapatid mong si Brittany?! Kahit labag sa loob niya, sinubukan niya pa rin ang ideya ng mommy mo, at wala akong narinig na reklamo mula sa---" Di ko na pinatapos si daddy. Alam ko namang puro papuri lang kay Britt ang sasabihin niyan at ipagkukumpara lang kami niyan. Tumayo ako, kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. I heard daddy called me, pero dedma. -_- Nakakairita siya.
When I got out of our house nakasunod agad ang kapatid kong si Britt saken.
"Nagsagutan na naman kayo ni daddy?" sabi niya saken ng nakangiti. I smiled at her tsaka ako sumagot.
"Yep. ^_^ Pero okay lang, sanay nako jan. Halos daily routine ko na ang pagtatalo namin ni daddy."
Si Brittany Claire Anderson, Ang twin sister ko na sobrang bait, na laging pinupuri ni daddy, na gusto ng lahat. Pero kahit ganun, hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting inggit sa kanya. Siguro kasi, I'm not a sensitive person. Wala akong pake sa mga tao sa paligid ko at sa mga walang kwentang opinion nila na hindi ko naman hinihingi. As long as ineenjoy ko ang ginagawa ko, wala nakong pake sa kanila.
Nang makarating kami sa school namin na PUBLIC.. Yep, public. Yan ang pinagtatalunan namin ni mommy kanina. Ang yaman yaman namin pero sa public niya kami pinag-aaral. So gross diba? Anyway, pumasok na kami sa gate ng pipitsuging public high school. Then sinundan ko lang si Britt papunta sa principal's office. Britt's section is 4-1 samantalang ako ay 4-4. Never kaming naging magkaklase ni Britt. She is always on the highest section samantalang ako last. It's not that I'm stupid kaya last section ako, kaya ako laging nasa last dahil sa attitude ko. Hindi ako nakikinig sa mga teachers ko at tamad akong gumawa ng homeworks, and projects. Child prodigy kami ni Britt kaya kahit isang tinginan lang naiintindihan na agad namin ang lessons o kung ano pa man.
Naglakad ako at hinanap ang room ko. Nang makarating ako ang ingay sa loob as expected. Tuloy-tuloy akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan sa dulo not knowing na may teacher pala sa harapan. Nagtuloy lang sa pagtuturo ung teacher kahit na wala namang nakikinig sa kanya. Then bigla ulit bumukas yung pinto this time nagsalita yung taong nagbukas kaya nagsitahimik ang lahat.
"Hi, eto po ba yung room ng 4-4?" tanong nung guy na matangkad and mala-kpop ang buhok.
"Ah. Eto nga, and you are?" tanong ng teacher namin na parang nagpapacute pa sa dalawang lalake sa may pinto.
"Uh. Good Morning. I'm Kevin Angelo Mariano and this is Aaron Viel Arellano Late Enrolees po kami." Pakilala ni kpop guy sa sarili niya and sa katabi niyang singkit.
"Ah ok. Umupo na kayo sa vacant seats. I'm Ms. Adriana Hidalgo, I'm your adviser."
"Thanks po" sabi ni kpop guy then umupo na sila sa vacant seats. Sa tabi ko. -_-
Nagstart na yung lesson then natapos din agad. Nung uwian na nakita ko si Joube Valentine Carreon one of our bestsfriends ni Britt. (Joube = Jowbi)
"Oh Joube? Anong ginagawa mo dito?" I asked her and smiled. Secret lang natin to, pero mabait ako sa taong kaclose ko. ;)
"Nag-enrol. Ano ka ba? Di pwedeng maghiwa-hiwalay ang magic 5." Sabi niya saken.
"Dito na din kayo nila Aleya and Drey mag-aaral?" Tanong ko with sparkling eyes.
"Ayy! Hindi! Hindi! Dito nag-enrol tapos hindi dito mag-aaral? Push mo yan Nath." Sarcastic na sabi ni Drey saken na kararating lang kasama si Aleya.
"Waahh!! Buo na ulet ang m5" Sabi ko with sparkling eyes ulet.
"Tara na Nath, uwi na tayo." Sabi ni Britt. "Oh Joube? Dito na din kayo? Cool Buo na ulet tayo" habol niya nang mapansin sila joube, drey, and aleya.
"Yep. Tara mag-siuwi na tayo at baka maubos na students dito sa new school naten." Sabi naman ni aleya. Tumawa kami. Sumakay sa kanya-kanyang kotse with drivers sina joube, drey, and aleya. Then kami ni Britt sumakay na din sa iisang car. Sa isang village lang kame nakatira sa katunayan mga kababata ko sila. Kaya ganun na lang kami ka-close.
Nang makarating ako sa bahay kumain agad ako then nag-online. Nakita kong online ang lucky10 sa gc namin. Yep 10. 5 girls and 5 boys. Na puro magkaka-babata. That's Magic 5 and 5 Prince's. Yan ang bansag samin sa dati naming school which is Huston High. Yan ang alam mater namen. sayang di kami jan gagraduate. si mommy kase eh. -_-
Kristoff Evans: Hey! Musta first day sa new school? Believe me, magugustuhan mo rin dun. ;)
Nathalie Blaire Anderson: K.Fine.Whatever. -_-
Rio Velasco: Taray mo pa den. Suplada. :3
Kyro Levi Edwards: Ano ka ba? Malamang end of the world na pag di ka tinarayan ng brat na yan.
Matt Darwin Lewis: Nagsalita ang hindi brat na mataray. Hobby mo rin ang magtaray Kyro. -_-
Nathalie Blaire Anderson: Sige pag-usapan niyo ko. -_-
Brittany Claire Anderson: twineeehh!! Kumain ka na? bake mo kong cupcake for dessert pleaassseee!!
Joube Valentine Carreon: Cupcake? *o* Punta ako sa inyo ah. ;)
Aleya Rianne Trish Ramirez: Ako den. Pagkaen yan eh. ;)
Drey Anne Ferrer: Sama na den ako, di pwedeng hindi kumpleto ang m5 jan.
Nathalie Blaire Anderson: -_-
Seen by Drey, Joube, Aleya, Britt, Rio, Matt, Kris, Kyro
Tingnan mo tong mga to. Siniseen-zoned ako. Makalabas na nga at maka-bake ng sweets nakaka-bored eh. Paglabas ko nakita ko si twin sa kitchen na inihahanda na ang ingredients for baking. At dahil nakahanda na ang ingredients ginawa ko na lang yung cupcake niya, nagtaka ako ng mapansin na ang ingredients na nilabas niya ay napakarami para sa 3 cupcakes makakagawa yata ng 30 cupcakes ang ganto kadaming flour at egg. Kaya tinanong ko na siya.
"Britt, ba't andami mong nilabas? Kaya mong umubos ng 30 cupcakes?"
"Nath dear, who told you na ako ang kakain ng lahat ng yan?" kumunot yung noo ko then biglang may nagdoorbell nagulat ako ng pumasok ang pitong pugo. Sina Drey, Joube, Aleya, Rio, Matt, Kris, and Kyro. That explains why nappakadaming nilabas ni Britt. Gagawin na naman nila akong chef. -_- anyway nagstart nakong magbake . then after baking nakapagbake ako ng 30 cupcakes. Pagkatapos kong ibake sakto dumating si Kuya Brent Anderson ang cousin namin ni Britt. Si kuya Brent bata pa lang ulila na, si mommy't dady na ang nagpalaki sa kanya, they treated him as their own son, kaya lumaki kami ni britt na parang totoong kapatid na ang turing sa kanya. At ngayon kumpleto ang lucky 10 sa bahay kaya napaka-ingay. Nag movie marathon lang kami while eating cupcakes and chips. Then after that nag-uwian na.