Mabilis na bumalik ang mga alaala sa akin, mula noong ika-apat na kaarawan ko, kung saan una akong nakatikim ng cake,
napakasarap, napakatamis...
Tuloy-tuloy, naglakbay ang diwa ko noong ako'y nagtapos ng highschool,
kung saan una akong inayusan,napakaganda ko...
Panghuli ay ang mga sandaling sinagot ko ang aking una at natatanging boyfriend hanggang ngayon,
napakasaya, hindi masukat na ligaya...
Hanggang sa pumuti ang lahat ng aking nakikita at pagkatapos ay mabilis ding dumilim na parang lahat ay wala na,
napakalamig, ako ba'y nag-iisa?
Tanong na nagpabalik sa huling pagkakataon ng aking na aalala...
Linggo, nagpunta kami ng aking buong pamilya sa isang sikat na resort sa Antipolo,
Inimbitahan kami ng aking boyfriend, wala naman ito sa akin dahil normal lang sa kanyang gawin ito tuwing summer.
Kaya panatag at masaya kaming buong pamilya na nagpunta sa resort
pero nagulat ako nang dumating kami, halos lahat ata ng close naming mga kaibigan ay nandoon,
pati na rin ang mga magulang ng aking kasintahan.
Napa-isip ako, siguro dahil sa pangungulit ko sa kanyang magpakasal ay mag-propropose na siya ngayon.
Naalala ko pa, noong nakaraang Biyernes lang ay muntik kaming mag-away ng aking nobyo,
sinabi ko kasi na tumatanda na ako at baka mahirapan ng magkaanak kung matatagalan pa ang aming pagpapakasal.
Mabuti nalang hindi mapagpatol sa away ang aking boyfriend at kinabukasan ay nagka-ayos din kami.
Ewan ko ba, bakit sa tuwing napag-uusapan ang kasal ay parang nawawala sa sarili ang aking minamahal,
natatahimik siya, minsan na aasar, madalas change topic at kung mamalasin ay nagagalit,
pakiramdam ko tuloy hindi niya ako mahal...
Ayaw niya ba akong makasama habang buhay? O baka may iba siyang babaeng minamahal?
Malabo namang may ibang babae dahil sa sobrang in love niya sakin ay araw-araw niyang pinupuno ng mga love qoutes para sa akin at pictures naming dalawa ang wall namin sa social media.
Tsaka alam ko ang password ng lahat ng kanyang account sa internet
at syempre, ramdam kong ako lang ang mahal ng boyfriend kong si Ren.
Ren V. Dela Cruz, tandang-tanda ko noong pinakilala siya sa akin ng aking mga school mate noong college,
graduation day noon at pareho kami ng kurso.
Nakapila na kami ng mga kaibigan kong mga luka-loka at naghahanda na para umakyat ng stage para tanggapin ang aming diploma,
nasa tapat kami noon ng mga upuan ng lalaki at dahil matagal pa bago tawagin, napagkatuwaan ng isa kong kaibigang babae na makipagkwentuhan sa mga ito.
Masaya ang naging pag-uusap nila pero wala akong paki,
masakit na kasi ang paa ko sa suot kong high heels at gusto ko nalang na matapos na ang pagtawag sa pangalan ko para makaupo na uli,
hindi ako sanay magsuot ng ganong sapatos, matangkad naman kasi ako kaya wala ang atensyon ko sa seremonya kundi nasa paa ko,
nang biglang inabot sa akin ng isang lalaki ang kanyang kaliwang kamay,
BINABASA MO ANG
Coma
RomanceMahal ko si Ren pero hindi pa siya nag-propropose sa akin... Hindi niya ba ako mahal?