Chapter 2

3 1 2
                                    




Tuloy-tuloy akong nahulog ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari,

ang pagkaka-alam ko kasi, pagnahulog ka sa bangin na singtaas ng 10 story building ay mamatay ka

pero noong sumayad ang mga paa ko sa lupa ay nagising ako sa isang napakagandang umaga...

It's our 9th anniversary,

Linggo kaya walang pasok,

mas gusto ko nalang na humiga at matulog sa kama dahil pagod na pagod ako sa buong linggong pagtra-trabaho,

ni ayaw nga magbukas ng mga mata ko habang inaabot ko ang dahilan ng paggising ko,

ang aking tumutunog na telepono.

Hindi naman ako nagalit,

hindi rin na asar,

batiin ka ba naman ng happy anniversary ng pinakamamahal mo at ayain ka magdinner sa labas,

syempre smile ka na din,

kahit na para kang nag-aagaw malay dahil sa antok.

Alam mo yon, yung gusto mong dumilat pero ayaw mo,

kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata at iniisip ko ang mukha ng aking sinta,

pinapakinggan ko lang ang malambing niyang boses habang nagpapahinga.

At dahil sa sobrang nakakarelax marinig ng tinig ni Ren ay muli akong nakatulog,

nagising nalang uli ako nang may tumapik sa aking mga hita,

si mama,

"Gising na, kanina pa naghihintay si Ren sa labas" ang sabi niya.

Napa-upo ako sa higaan at agad kong tiningnan ang orasan,

ala syete ng gabi?!

Omg!

Nasubukan mo na bang maligo at magbihis sa loob ng limang minuto?

Ako? Oo,

Mabilis akong bumaba ng 2nd floor pagkatapos

pero sumimangot si Ren nang nakita ako.

"Magbihis ka ng maganda dahil may lakad tayo" ang sabi nito.

Napangiti nalang ako at bumalik sa kwarto at nang bumalik ako ay talaga namang napanganga si Ren sa ganda ko.

Umalis kami at nagpunta sa isang mamahaling restaurant,

Biglang sumakit ang ulo ko, napahawak ako sa aking noo,

pakiramdam ko ay nangyari na ito...

Lahat ay parehas,

ang inorder na pagkain ni Ren at

pati ang suot ng tumutugtog ng violin ay ganoon din.

Nahihilo ako...

pero pinipilit kong wag ipahalata sa aking nobyo,

ayoko kong masira ang gabing ito,

na kahit pa ang pakiramdam ko'y mabibigo...

Ngunit mali pala ang aking inaakala...

tumayo si Ren,

lumapit siya sa akin,

tumingin sa aking mga mata at lumuhod bigla...

"Seryoso?" tanong sa isip ko,

"Helena... Mahal na mahal kita... Will you marry me?" sabi nito,

Napuluha ako, dahil matagal ko ng hinihintay na itanong niya ito,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ComaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon