A/N
I have been a silent reader for the longest time, its about time to share my own :)
to my idols @Absurd018 and @bulletradio, thank you for your stories that influenced and inspired me a lot :)
To all, happy reading. Keep your hearts on fire :)
Pardon the wrong grammars and spellings HAHA
......................................
Gising na ang diwa ko pero tinatamad pa akong imulat ang mata. Sa lamig na dulot ng buwan ng disyembere parang ayoko pang bumangon.
Tatlong beses ko na ding na-snooze yung alarm. Christmas break naman kaya pahinga muna sa thesis. Babawi muna ng tulog. Dami ko na utang sa kanya.
"Myrooooo!" kasabay ang magkakasunod na katok sa pintuan ng apartment ko. Naulit pa ng tatlong beses ang pagtawag sa pangalan ko ni Martina. Papalakas yung katok.
Balak ko sanang huwag pansinin pero makulit ang aking kaibigan. Bumangon na lang ako na kurap-kurap para pagbuksan siya.
"Whaaatss?" sigaw niya ng makita ako. "Alas otso na Myro ganyan pa din ang lagay mo?"
"O bakit ba? Bakasyon na" usal ko habang nakatakip ang kamay ko sa bunganga.
"Ngayon yung outreach program natin, limot mo na ba? Kailangan ng attendance dun sabi ni Prof G."
Gulantang ako bigla. Nauntog pa ako sa hamba ng pinto.
Bumaba na si Martina. Sa kotse na lang niya ako hihintayin.
Naligo lang ako ng limang minuto. Dumampot ng kung anong damit at saka nagpantalon. Binitbit ko na lang ang sapatos ko at sa kotse na ako ni Martina magsusuot.
"Sigurado ka bang dito yung daan?" tanong ni Gelo. Sa tabi siya ni Martina.
"Kung mas maaga sana tayong umalis, naabutan pa natin yung konboy." Si Martina habang nagmamaneho sabay tingin sa akin sa rearview mirror.
Nginitian ko na lang siya ng pabungisngis. Sa likod ako naka upo.
Hindi ko alam kung bakit may isa pa kaming kasama. Kanina ko pa tinatanggal yung kamay ng unggoy na ito na umaakbay sa akin. "Kainis ka na ha."
"Bakit ba kasi." Sabi ng unggoy.
"Anong bakit ba kasi? Ang luwang luwang oh, dikit ka ng dikit" asik ko. Pero parang iba kasi ang amoy niya ngayon eh. Iba ang dating sa akin.
"Bakit ba? Malamig kaya!" asar ni Jiro.
Mas umakbay pa siya lalo. Halos nasasakal na ako.
Yung mag jowa sa harap hindi man lang ako tulungan.
"Bakit ka ba kasi sumabay dito? Saan na yung kotse mo?" reklamo ko.
"Eh bakit ba kasi?"
"Bakit ka ba kasi naka akbay?"
"Eh bakit iyang T-shirt mo may FREE HUG?!"
"Eh bakit ang baho mo?"
Sinakal pa ako lalo ng braso niya.
"Ano na naman bang trip mo Jiro?!" Nilingon ko sya dahil sa inis. Nakalimutan kong isang dangkal lang pala ang pagitan ng mukha namin.
Sinuntok ko ng mahina ang tagiliran niya.
"Bakit baaaa!" sigaw niya sa tenga ko. Nabingi ako.
Pinilipit ko ang kamay niyang naka-akbay saka kinagat. Sumigaw siya sa sakit.
BINABASA MO ANG
Hearts On Fire
RandomPasukin at ramdamin ang dalawang pusong umaalab, Tuklasin kung paano ito sisilab. Sa dalawang pusong magtatagpo, Sino ang unang mapapaso? Kakayanin bang suungin, Mga ulan at hangin? Sa pusong nagtatago sa madilim na yugto, Paano pagbibigyan ang kany...