"Joshua-------"
Tinakpan ko ang bibig ni Jacob.
Sabay dugtong.
"Hi Joshua!"
"Hello." Sagot niya na parang nagtataka.
"Diba Jacob gusto ko lang mag hi?" Sabay laki ng mata sa kaniya.
"Oo oo." Sagot niya na parang takot.
"Ewan ko ang gulo niyo." Pagsusungit ni Joshua.
Humarap na ako sa harap kasi kami lang ang maingay at sa sobrang tahimik namin yung tunog lang ng aircon naririnig.
Pumasok na yung teacher namin sa math.
"Good morning class."
"Good morning ma'am."
"Just call me Ms. Vicky."
*Ok Ms. Vicky.* Sagot naming lahat.
"Igugroup ko kayo magkakaroon tayo ng project pero bibigyan ko kayo ng 1 week para magawa ito." Sabi ni Ms. Vicky.
Ginroup na lahat kagroup ko si Joshua, Allan at Anna.
Buti nalang sa isang linya lang kasi kami.
"Pumunta na sa group niyo."
Tinuro ni Ms. Vicky na dun daw kami sa inuupuan ni Allan.
Pumunta na ako at si Joshua.
Umupo na ako.
Pinili namin na si Joshua na ang leader dahil masigla siya at palasagot.
"Ganto , This is your first project gagawa kayo ng recycle robot kaya mag iipon kayo ng kahit ano basta mapapatayo niyo ang robot at dito gagawin sa school."
*Class dismiss*
Paglabas ni Ms.Vicky lahat bumalik na sa upuan.
Habang wala pa yung teacher namin ginawa namin nagusap muna kami.
"Joy, Maghanap ka nalang ng square na bagay para sa paa ng robot." Sabi ni Joshua.
"Ok."
"Sayo Anna yung katawan at samin ni Allan para sa taas at kami nadin magpipinta."
Nag bell na kaya recess time na.
Ako at si Anna ang lagi mag kasabay mag recess.
Bumili kami ni Anna sa canteen ng juice at ramen at umupo sa isang bench na may table.
Pag upo namin saktong sakto dumaan si Daniel.
"Omg! Ang pogi niya talaga." Kinikilig kong pagkakasabi.
"Ayos lang."
"Abangan natin mamayang dismissal please?"
"Ok!" Sagot ni Anna.
*Makalipas ang ilang subjects*
"Dismissal na! Anna dali baka di natin maabutan si Daniel."
-hinatak ko agad si Anna pababa-"Ayun siya oh!" Turo ko malapit sa clinic.
"Tara na!" Aya ko kay Anna.
"Wag na nakakahiya!" Sagot ni Anna.
"Bahala ka ako nalang." Sabi ko sabay takbo papunta ka Daniel.
Minamalas nga naman pag takbo ko nadapa ako.
Yumuko ako sa sobrang hiya tas bago ko iangat yung ulo ko may naaninag akong kamay ☺️
Si DANIEL na kaya ito?
Abangan .....
![](https://img.wattpad.com/cover/15781757-288-k589100.jpg)
BINABASA MO ANG
Oo nga pala, Di' nga pala tayo
Teen Fiction"Ano nga ba talaga ako sayo? Ano nga ba tayo? Tayo nga ba? Ewan ko nalilito ako." Thanks for my cover (c)princesabangs