Prologue:"Confessing My Love"
By: mazterkulitz
Prologue:
.
.
.
.
.
(Hannah)
"Kasi naman, ang hirap sabihin na gusto o in love ka sa isang tao. Masyadong nakakakaba. Alam mo yung feeling na yung puso mo parang lalabas na sa sobrang lakas ng kabog. Kaya hindi mo talaga masabi ang kung anong nararamdaman mo."
.
.
.
.
.
(Andrew)
"Hindi ko alam kung ako lang nakakakita pero parang mga bituin ang mga mata niya. Nakakaakit para siyang star. Pero isa lang ang totoo, hindi ko kayang abutin ang katulad niya. Katulad ng tala na milya-milya ang layo"
.
.
.
.
.
(Ben)
"At isa pa ni hindi ko man nga lang makayanang kausapin sya kasi nahihiya ako... umamin pa kaya? Hayaan nalang natin na ang pagmamahal ko sa kanya ang kusang magsabi."
.
"Hindi ko maintindihan eh! Minsan talagang napapanganga ako sa kanya at hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pareho tayong mahina at walang lakas ng loob"
.
.
.
(Angel)
"Ganito pala... kaya sila naloloka sa love kasi parang isang magic na kahit anong gawin ng taong gusto mo ay mapapangiti or mapapatawa ka nalang nila."
.
.
.
.
.
(Earl)
"Isa pa despirado na talaga ako. Kasi alam ko namang wala akong pagasa kapag yung dating Earl parin ang iniharap ko kay Hannah, kaya ito nagbakasakali na ako. Ang sakit din kayang manahimik nalang at panoorin yung taong gusto mo na iba naman ang gusto"
.
.
.
.
.
(Joan)
"Nakakainis... na lalaking yun hindi ko mabasa ang mga kilos nya... naguguluhan na tuloy ako. Nakakabaliw"
.
"Siraulo ka talaga... akala ko mababaliw na ko sa kakaisip kung ano ba talagang meron. Pero bakit ngayon lang?"
.
.
.
.
(John)
"Hindi talaga ako maalalahaning tao, pero..."
.
"Pero... pagdating sa isang yun. Ewan di ko maintindihan"
.
"Isa pa natatakot kasi ako na baka ako lang ang nakakaramdam nitong tibok ng puso ko... pero sa ginagawa mo parang mali ako"
.
.
.
.
(Mazterkulitz)
"Mahirap talaga mabuhay sa mga hinala lang or mga what if what ifs na yan. Wala namang mawawala if ita-try mo basta kaya mong i-accept ang kalalabasan. Wag magtago sa dilim labas-labas din para masilaw ka naman sa liwanag"
BINABASA MO ANG
CONFESSING MY LOVE (COMPLETED)
Short StoryMarami talagang nabubuhay ngayon sa mga hinala lang. Yung kontinto nalang sa malayuan. Tipong stalker ang galawan. AKO NA nagsasabi sa inyo. Gumising na kayo at wag na makontinto sa mga... 'WHAT IF, WHAT IFS' na yan. Pero di ko kayo masisisi... ...