Chapter 4

1K 30 4
                                    

Matthew Thomias POV

Nagpapamusic ako sa mga oras na ito para kunwari may kasama ako dito sa bahay.

Sabay  non ay nagpapapuno ng tubig sa timba.

Alam kong hindi maganda boses ko pero pinipilit ko parin kumanta.

Nakakatawa man ay okay na iyon kaysa maboring ako dito.

Naupo muna ako sa harap ng salamin kasi naman mukhang babae may ari ng kwarto nato.

Napagisipan ko nga kong pinapatirahan ba nila ito sa iba e sa luma na ito.

Binuksan ko ang mga drawer  baka sakali may matuklasan ako.

Sa huling drawer ay may nakita akong envelop bubuksan ko sana ng napansin ko puno na yong timba.

Kaya tumayo ako at pinatay ang gripo
pagbalik ko sa harap ng salamin wala na yong envelop.

Nagtaka ako bat nawala inilagay ko lang iyon sa pinaglagyan ko.

" Saan na yon? " tanong ko sa aking sarili.

Hinanap ko ito sa ilalim baka kasi nahulog lang hindi naman ako nagkamali.

Dinampot ko ito habang nakangite pero pagtayo ko ay napansin kong parang may nakatayo sa likod ko.

Nagdadalawang isip pa akong lumingon dahil sa takot pero sa paglingon ko ay wala naman.

Siguro sa subrang isip ko doon sa babae kaya paranoid na ako.

Pagtingin ko sa harap ng salamin ay doon ako nabigla at natakot ng makita ko yong babae nasa likod ko.

Tatakbo na sana ako ng magsalita siya bigla.

" Wag ka matakot sakin." sabi niya.

Napaharap ako sa kanya at titig na titig dahil sa takot ba, ewan hindi ko alam bat ko siya tinitigan.

" Hindi kita sasaktan." sabi niya pa ng akmang hahawakan niya ako ay tumakbo ako papunta sa kama at nagtalukbong ng kumot.

" Lumayo ka saakin." pagtataboy kong sabi sa kanya.

Pero tanging iyak lang ang narinig ko mula sa babae.

Nakaramdam ako bigla ng awa sa kanya dahil babae parin siya at bakit ako matatakot sa kanya e hindi naman sigurado kong multo talaga siya.

Bigla nagbago ang isip ko kong hindi multo bat siya lumulutang sa ere.

Kahit takot ay kinuha ko ang kumot at tinignan siya na agad naman nakita ng dalawa kong mata sa isang sulok.

Yakap  niya ang kanyang mga tuhod habang nakayukong umiiyak.

" Lagi niyo nalang ako pinapaiyak dahil ba iba ako?  bakit ayaw niyo sakin? " sabi niya habang umiiyak.

Nakakaawa siya sa mga oras na iyon na kahit puso at isip ko ay nagtatalo na.

Narealize ko na kahit multo marunong rin umiyak at masaktan.

" Sorry " ang tanging salita na lumabas sa bibig ko.

Lumakad ako pa unti-unti palapit sa kanya at dahan-dahang umupo sa harap niya.

Natatakot man ay pinilit ko parin siyang kausapin.

" Sino ka ba? " tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

" Bakit ka andito? " tanong ko pa sa kanya pero walang paring  sagot mula sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya sabay punas ng mga luha niya sa pisnge.

" Ikaw ba yong kanina? " tanong ko ulit pero wala parin siyang sagot.

Dala sa curiosity ko ay hahawakan ko na sana siya ng bigla siya nawala sa harap ko.

Ang bilis niya nawala sa harap ko kaya napatayo ako at hinanap siya sa cr at sa ilalim ng kama pero wala siya.

" Babaeng multo na mukhang manika saan kana? " tawag ko sa kanya pero hindi na siya bumalik at nagpakita saakin.

Sa isip ko ay na talk and run ako ng multong iyon.

Napangite nalang ako at sabay non ay pinatay ko na ang music at lumabas ng kwarto para maghanda ng makakain ko.

Sa kadahilanang nagutom ako dahil sa takot ko sa multong babae na iyon.

AN: Salamat sa mga nagbabasa, nagvovote at sa mga magbabasa palang. 😘

Ghost Stole My VirginityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon