One Shot Story

38 6 0
                                    

- Sad story -

Wala pala talagang forever!

Letse!

***

Isa lamang akong simpleng babae,Ipinanganak na hindi mayaman,hindi rin mahirap.

Nakilala ko sya.

Ang lalaking unang nagpapatibok ng puso ko.

Si Vince Hernandez

Aaminin kong na-love at first ako sa kanya.

Ako si Achena Mea Soon.

Hindi maganda,Hindi din pangit.

Mas lumalim pa ang secretong pagmamahal ko sa kanya na naging kaklase kami nung 4th yr. High school. Ang saya ko nun.

Akalain mo yun? Naging close mo crush mo?

So ayun nga hanggang sa grumaduate na kami ng high school.

Nagtanong sya sa'kin kung saan ba daw ako magco-college.

Sabi ko sa ****University. At sabi niya.'Pareha pala tayo'.

Sobrang saya ko nun.
Magkapareha kami ng course pero di kami naging magkaklase nung 1st yr. College.

Pero nung 2nd yr. College,naging kaklase kami.Mas naging matibay ang pagkakaibigan namin.Pero mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanya.

3rd year college na kami.~

Pansin ko lang parang ang laging nyang tamlay.

Pero sa isip ko ----- 'Siguro dahil sa susunod na year ga-graduate na kami kumbaga busy lang masyado.'

Hanggang sa natapos na namin ang 3rd yr. College.

Nung 4th tr. College kami.Pansin kong palagi syang tamlay.

Tinanong ko sya kung bakit pero sabi niya 'Wala lang 'to.Kulang sa tulog alam mo na graduating'

Pero sa gitna ng taon.Madalas ko nalang syang nakikita.

Hanggang sa umabot na ng isang buwan ang absent niya.Walang nakakaalam kong anong nangyari sa kanya,bakit sya palageng absent.

Napag-isipan kong pumunta sa bahay nila. At--

'Hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman ko'

Oo,aamin na ako sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin.Gusto ko sanang pumunta sa bahay nila Vince kaso tumawag mommy ko sabi daw niya namatay daw kapatid niya.Sobrang nalungkot ako dahil kapatid yun ng mommy ko.Imbes na pumunta ako sa bahay nila Vince,umuwi ako.Dahil uuwi daw kami ng probinsya siguro 1 week lang kami dun.

Mag tatatlong linggo na kami dito sa probinsya.Matagal kami nakauwi dahil binabantayan at inaakaso pa namin ang asawa ng kapatid ni mommy na namatay.

Pero parang hindi ako mapakali.Qng bilis ng tibol ng puso ko.Parang sasabog sa kaba.

Di ko alam kung bakit.

Dapit Hapon,Biglang may tumawag.

Si Vince.

Kaso pagsagot ko mommy niya ang tumawag.Umiiyak.Mas kinabahan ako nung banggitin niya ang pangalan ni Vince.

'Mea,Kailangan ka ni Vince ngayon!'

At dahil dun.Nagpaalam ako sa magulang ko na uuwi ako sa Maynila.

Um-oo naman sila pero hintayin ko daw driver namin.Kahit inip na inip na ako.Hinintay ko paring darating yung driver namin.

At sawakas dumating na sya.

Habang bumabyahe kami patungong Maynila.Yung puso ko parang nagwawala.Kinakabahan ako.

Pagdating ko sa Maynila.Agad kong pinaderetso sa bahay nila Vince ang kotse namin.

Papalapit ng papalapit sa bahay nila Vince.Mas Kinabahan ako.

*toktoktok*

Binuksan naman yun ng mommy niya.Bumungad sa'kin ang mukha ng kanyang ina na namumula at namumugto ang mga mata.

"Iha?....Buti dumating ka,kanina ka pa hinihintay ni Vince."malungkot at mangiyak-ngiyak na sabi ng mommy niya. Pumasok kami sa bahay nila at dun nadatnan ko ang isang puting kabaong.Maraming mga tao ang umiiyak.

Nasaan si Vince?

" Tita,Nasan si Vince?" Tanong ko.Wag sana tong iniisip ko.

"Iha wala na sya!" Bumuhos ang luha ko at agad akong tumakbo sa kabaong nya.

At dun ko nakita ang lalaking minahal ko ng sobra.Hindi manlang ako nakapagsabi ng nararamdaman ko,nawala na sya.

Halos ikamatay ko na ng makita syang nakahiga dun.Parang natutulog lang.Oo natutulog lang sya diba? Natutulog lang sya.

'Natutulog lang sya tita diba? Tita!? Sabihin niyo trip lang nya 'to diba DIBA?! SABIHIN moooooo.......'

Napaluhod na ako habang umiiyak.

'Wala na sya Mea,wala na' napaluhod narin si tita at niyakap ako ...niyakap ko sya pabalik.

'Tita di ko manlang nasabi na......na mahal ko sya....Tita?! Sabihin niyo nangtitrip lang sya diba?!' Sigaw ko

Hinagod ni tita ang likod ko.Nang kumalma ako may binigay na sulat si tita sa'kin.

'Bago pa mamatay si Vince .Pinapabigay nya to sayo.'

Binasa ko ang sulat.

****

Mea,
      Ikaw ha di ka manlang nagpaalam sa'kin.Umuwi ka pala ng probinsya niyo.Pero ok lang yun naiintidihan ko.Alam kong namatay ang kapatid ng mommy mo siguro ako naman ang susunod.May bone cancer ako.Ilang araw nalang at mamamatay na ako.

    Pasensya kong tinago ko sayo na may sakit ako.Natakot lang ako na layuan mo ako.Napakaimportante mo sakin.

    Gusto ko lang sabihin sayo na kapag nawala man ako.Ngumiti kalang para maging masaya ako.Wag kang mag-alala babantayan ko kayo ni mommy.Mag-ingat ka palagi.

    Gusto ko ring malaman mo na MAHAL KITA...MAHAL NA MAHAL higit sa pagiging magkaibigan natin.Pero pasensya na mamatay na ako e.Mahirap tanggapin pero wala eh ito na.

    Wag mo sana akong kalimutan.Mamahalin parin kita kahit nasa langit na ako.Kahit kaibigan lang ang turing mo sa'kin,Okay lang.Mahal kita simula nung  1st year high school palang tayo.Di pa tayo close nun.Pero kahit paman ganun.Palagi akong nagmamasid sayo pag di ka nakatingin.

  Mamimiss kita,MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kita.  

                          Nagmamahal at patuloy na magmamahal, 

                                      -Vince<3

*****


Napahagulhol ako sa nabasa kong sulat galing kay Vince.Masaya ako na mahal niya rin ako.Pero sayang dahil wala na ang pinakamamahal kong tao.

Iniwan na niya ako.

Mahal na mahal din kita Vince at hindi kita makakalimutan.

Matagal akong nakamove-on sakanya.

Halos 8 taon.Oo walong taon pero sya parin ang mahal ko.

Naglalakad ako ng may biglang bumangga sa'kin na lalaking tumatakbo.Napaupo ako.

'Sorry ms' ang boses nayun

Agad akong napatingin sa lalaking bumangga sakin.Nasa harap ko sya ......at naglahad ng kamay upang makatayo ako.Nagulat ako.Buhay siya?

Si Vince

'Vince?' Tawag ko sa kanya.

                          -END-

--
End of UNFINISHED LOVE STORY

-
Chen_LP

Unfinished Love Story (One Shot Story)Where stories live. Discover now