♥Chapter1

119 2 1
                                    

First day of school pa lang, panay na ang pa-cute ko kay Jhake.

Gustong-gusto ko ang dimples niya sa cheeks na lumalabas kapag tumatawa siya

at nagsasalita. Mabuti na lang at seatmates kami. 

Kung anu-ano ang ginagawa kong pagpapa-cute sa kanya. 

Nariyang bigyan ko siya ng pad paper kahit hindi naman humihingi.

Nariyang pansinin ko na hindi maganda ang ink ng ballpen niya 

at yung sa akin ang maganda kaya yun ipapahiram ko.

Sinabihan ko rin siya na hindi maayos ang pagkaka-shine ng shoes niya kaya

binigyan ko siya ng imported na shoe shine na padala ng tito ko.

Sa mga ginagawa kong yun na-i-irritate tuloy si Jhake sa akin.

    "Alam mo, may pagkapakialamera ka," , sabing halatang naiinis.

Paano kasi sinabihan ko rin siyang kulang pa sa pagkakakula ang white polo shirt

niya, na kung ikukula pa nang mas matagal sa araw, mas puputi pa.

Hindi ko namang magawang humingi ng sorry sa kanya.

Para sa akin kasi, tama ang mga napapansin ko.

Concerned lang naman ako sa kanya. Sabi tuloy ni Pinky,

    "Wag mo na kasing pakialaman si Jhake. Gusto mo bang magkaroon ng kaaway na lalaki dito sa school?"

    "Kapag naman pinatulan niya ako, ibig sabuhin nun, bakla siya!"

    "Ssshhh! huwag kang maingay. Baka marinig ka."

Hindi nahalata ni Pinky na nagpapa-cute ako kay Jhake kaya ko ginagawa yun.

Ang alam niya, gusto ko lang mang-asar, o siguro, alam na rin talaga ng kaibigan ko

na mapangpuna ako. Kahit nga sa kanya, marami akong napupuna.

Kaya naman naisip ko: MANHID talaga si Jhake! Hindi mo man lang ma-feel na nagpapa-cute

ako sayo, kaya ko ginagawa yun! I need your attention kung alam mo lang! Your cute attention!

Wala paring alam si Pinky na may gusto ako kay Jhake. Never kong nasabi kay Pinky

na nakukyutan ako kay Jhake kasi hindi niya ako titigilan sa katutukso.

Kaya mabuti pang ako na lang ang nakakaalam.

Ilang araw akong hindi pinapansin ni Jhake. Pero okay lang sa akin.

Hindi ako nagdaramdam.Para kausapin niya ako,  tinanong ko pa nga siya

kung maganda ang hairdo ko kapag nagpatirintas ako. Sagot niya ay,

    "Dapat mag-hairnet ka na lang."

    "Parang nagtatrabaho sa Jollibee, ganun?"  Gusto ko sana magpatawa pero hindi naman

siya natatawa.

Hindi ko talaga maiwasang hindi siya kibuin. Seatmate ko ba naman eh.

Syempre kung sino yung seatmate mo, yun ang ka-close mo.

Minsan naman, napansin ko ang haircut niya. Halos maubos ang ang buhok niya

sa gupit na flat top.

    "Tutubo din naman 'to eh!" depensa niya.

    "Matagal pa!" may himig na pang-aasar kong sabi.

    "Eh ano kung matagal pa?!"

    "Eh di matagal kang pangit?" at humagikhik ako.

Hindi siya kumibo. Halatang naaasar na.

    "Totoo naman ang sinasabi ko eh."

    "Ikaw talaga Ashley, bakit ba ang kulit mo? Wala ka na ba talagang

ibang alam na pansinin kundi ako?"

    "Paano, nagpapansin ka."

    "Excuse me! Ako magpapansin sayo? Ikaw yata!"

    "Hindi noh!" sabay irap ko sa kanya.

MANHID ka talaga, Jhake! Hindi mo pa rin ma-pick up ang pagpapa-cute ko! :((

MANHID :/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon