♥Chapter2

117 2 3
                                    

One week akong hindi pinansin ni Jhake. Medyo masakit yun ha!

Parang nahiya na rin akong magpa-cute sa kanya. Dahil sa sama ng loob ko, naisulat ko tuloy

sa likuran ng notebook ko: "MANHID KA, JHAKE RAMOS! BUTI NGA CRUSH PA KITA EH!"

Napuno ang back to back na two pages ng notebook ko na puro ganun ang nakasulat.

Dahil sa kaburaraan ko, naiwan ko ang notebook ko sa armchair nung nag recess time namin.

Hindi pala bumaba si Jhake at naghahanap ng makokopyahan ng assignment namin.

Eksaktong nakita niya ang notebook ko at pinakialaman. Kinopya ang assignment ko,

at nung bumalik ako sa room, naabutan ko siyang binabasa ang likuran ng notebook ko.

Pinamulahan ako ng mukha at inagaw sa kanya ang notebook.

    "Pakialamero!"

Inaagaw niya uli ang notebook. Tawa siya nang tawa.

    "So ngayon alam ko na kung bakit lagi mo akong pinupuna,

pinakikialaman, at kinukulit!"  at tawa siya ng tawa.

Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at konti pa lang ang classmate

namin sa room dahil nasa canteen pa ang iba. Hindi nila narinig ang sinabi ni

Jhake dahil busy sila sa pagkopya ng assignment.

    "So manhid pala ako?" natatawang tanong niya sa akin.

    "Akin na yan!"

Binasa niya uli ang mga nakasulat sa likuran ng notebook at sabay pinilas.

    "Okay, akin na 'to! Remembrance!"

Inagaw ko sa kanya ang notebook, at pilit ko ding binabawi ang pinilis niya. "Akin na yan!"

Ayaw niyang ibigay! Mabilis niyang ibinulsa ang pinilas niynag two pages ng papel.

Gusto ko nang magmaktol. Buking na ako sa feelings ko sa kanya!

Umupo akong nagdadabog! Ang ginawa naman niya, hinila niya ang chair niya at itinabi

nang husto sa chair ko. At pabulong niyang sinabi . . .

    "Ibabalik ko lang 'to sayo kapag . . . "

    "Kapag ano?!" inis kong tanong.

    "Kapag sinagot mo na ako!" at nakangiti na naman siya, ngiting may halong kapilyuhan.

     "Paano kita sasagutin ehh hindi ka naman nanliligaw?!"

     "Paano kitang liligawan eh nauna ka pang ligawan ako?" dugtong pa niya.

Napahiya ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang magiti.

    "Hmmm, hindi naman kita nililigawan ehh! Nagpapa-cute lang ako sayo!"

    "Ganun narin yun nuh! Kaya para makuha mo 'to, sagutin mo muna ako!"

    "Manligaw ka muna!"

At niligawan nga ako ni Jhake. After three weeks, sinagot ko na siya.

    "What?! Kayo na ni Jhake?!" Gulat na Gulat si Pinky.

    "Ahh basta kami na, wag ka nang magtanong, hahaha."

Nang mamasyal kami ni Jhake sa Baywalk, papalubog na ang araw, may ipinagtapat siya sa akin.

    "Hindi naman talaga ako manhid, Ashley. I know kung anong ibig sabihin ng ginagawa mo

sa aking pangungulit at pamumuna. Alam kong nagpapa-cute ka kasi gusto mo ako.

I like you din naman eh!" Hinawakan niya nang mahigpit ang aking mga kamay.

     "Hmmm, sabi mo lang yan kasi na-trap mo na ako,"   kunwari ay nagtatampo ako.

    "Hindi ahh! Talagang gusto kitang ligawan Ashley kaya lang inunahan mo ng pagpapa-cute!

Okay lang yun, at least nalaman ko na gusto mo din ako."

    "Basta huwag mo akong paiiyakin ahh!" seryoso kong sabi.

    "Of course, hindi! Ikaw din?"

    "Yes, of course!"

Graduating na kami sa high school ngayon at kami pa rin. Usapan namin sa college,

parehong course ang kukuhanin namin dahil pareho naman ang interest namin at isa pa

para lagi pa rin kaming magkasama! :))

(Our True Feelings will reveal at the right time , in God's Time :)) ♥ . . . END. . . )

MANHID :/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon