Shintarou Midorima : Mr. Ribbit

238 4 0
                                    

Shintarou Midorima : Mr. Ribbit

Mika Hibari

" Dismiss " sabi ng Sir namin tapos inayos na namin lahat ng mga gamit namin.

" Shin-chan, may practice pa tayo sabi ni Coach. Sila captain at iba pa nating senior nandoon na, tayo nalang ang hinihintay. " sabi ni Takao. Kaklase ko kasi to, pero hindi kami gaano kaclose sa isa't isa.

" Ano naman yang lucky item mo Shin-chan? Babasagin na Palaka? " sabi ni Takao na napatawa.

" Wag kang maingay diyan Kazunari. " sagot ni Midorima tapos umalis na sila. Since wala akong gagawin magsspy nalang ako.

Tiptoe walk akong sumusunod sa kanila habang silang dalawa nagkwekwetuhan. Nakakahiya naman kasi kung nakikisama ako sa kanila.

Ilang hakbang lang, nandito na kami sa Gym ng Shuutoku. Tapos ako nandito sa may bintana malapit sa may pintuan, palihim na tumitingin.

Sina Takao at Midorima, nadoon sa may locker room nila. Ilang minuto lang TADAAAAA~ nakat-shirt sila tapos naka basketball short.

Nagumpisa na ang practice nila. Yung iba nagshoshoot. Pagkatapos naglaban ang mga first year at ang mga seniors nila. Sino ang nanalo? Syempre ang mga first year. Ang galing nga ni Midorima eh, first time ko kasing makakita ng mga half court shoots. Tapos kahit saan natitira niya. Ang galing diba?

Nanonood parin ako ng mga practice nila ng biglang.

" Anong ginagawa mo diyan? "

" waaah! " nabigla ako tapos natabig ko yung kamay ni Midorima at nahulog ang "Lucky Item" niya na babasagin na Palakang-YUCKIEEE!

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!! " naiiritang sa tanong niya kaya nabigla ako doon sa itsura niya.

" N-nanonood ng basketball?! Hehehe " sabi ko tapos nagpeace sign, habang siya galit na galit.

" Kanina ka pa sumusunod samin diba? " tanong ni Takao na nakangiti, oo nga pala may HAWK EYE, tong isang ito. Syempre makikita niya ako. Kaya no choice kundi tumango.

" Alam mo bang ang lucky charm ko ay isang figurine na palaka, palaka man yan o hindi. Lucky item ko parin yan. " masungit na sabi sakin ni Midorima. Tuhuhuhu, nung pinapanood ko siya ina-idol ko na siya, ngayon binabawi ko na.

Relax, maging matapang ka Mika. Tumayo ako kahit alam kong maliit lang ako tumingala ako para makita ang gwapo ng FACE--- este PANGIT. " HOY! Di porket marunong ka sa basketball, hindi ako gaganti sayo. Wala akong pake kung nabasag man yang lucky charm mo, yang.... Yang yuckiee mong lucky charm a.k.a *gulp* kadiri mong BASAG na Froggy. " sabi ko tapos yumuko siya para makita ako.

" Inilalapit mo ba yang walang laman mong dibdib? " masungit na sabi niya. " H-Hoy! Hindi no! Hindi ko naman inilalapit tong *sabay turo sa dibdib ko* tsaka wag mo nga akong maliitin dahil maliit tong dibdib ko! Ang kapal ng face mo ha! " sabi ko sa kanya.

Bigla niya akong hinila papasok doon sa gym, halos lahat nabigla kaya nag peace sign ako.

" Sino yan Shintaro? Girlfriend mo? " tanong nung isa nilang teammate.

" H-Hindi! Asa pa siyang magiging boyfriend ko yan. " sabi ko

" Bakit may balak ba akong ligawan ka? " ang sungit netong MR RIBBIT! Na to. Tama! Mr. Ribbit ang bagong codename niya.

" Hoy Mr.Ribbit, mas maganda na ang sure. Tsaka bakit mo ba ako dinala dito? " tanong ko sa kanya tapos tumingin sa kanya, umaapoy yung mga mata niya " Hoy mr.ribbit-- este midorima pala. " galit siya doon sa mr ribbit? Psh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shintarou Midorima : Mr. RibbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon