Yelo ( One Shot )

142 8 5
                                    

Una po sa lahat inaalay ko itong istoryang ito sa aking best buddy ever. Taray parang tribo tribo lang ehh no, alay hahaha!

Ito po ay gawa lamang nang aking korning imahinasyon pag pasensyahan na. (^.^)v

_________________________________________________________

"Pag bili..! Pag bili..!" Paulit ulit na sigaw ko habang nanLILIIT ang mga mata ko sa inip sabay toktok nitong mga baryang dala dala ko sa bintana ng tindahan.

Aba! ang tagal naman ata bago lumabas ng tindera -.- kainet inet pa! Ala una pa lang ng tanghali. sheeeez tulo na ng tulo ang pawis ko kahit naka sando at shorts lang ako, SEXY ko kaya HAHA. Nakadagdag pa to sa pag kaines ko. hmp!

Kasalukuyan lang naman akong andito sa tindahan na katapat ng bahay namin, mga 10 steps lang naman mula doon.

Actually kahit mag wala o mag eskandalo ako dito hindi naman ako mapapa barrangay o mapapapulis dahil kaibigan ko ang anak ng may ari nitong tindahan HAHA sanay na sila sa akin ganito talaga ang ugali ko lalo na kapag bad trip.

Oo badtrip ako pano ba naman ako ang utusan. Dakila akong katulong sa bahay namin. Inaalila ako ng mga kuya ko. Ngayon nga ehh pinabibili ako ng yelo dito sa tindahan samamtalang may tubig naman sa ref namin, ang sabi nila di daw gaanong malamig kaya inutusan nila ako ngayon.

Dahil nakakapagod ng tumayo ng mahigit 5minutes kaya Ngayon ay nakatungo naman ako habang tinutoktok pa rin ang mga barya sa kamay ko, dito sa tindahan.

"Ano po iyon?"

Ay baboy ka! biglang may nag salita, teka wala naman lalaking nakatira dito ahh, Si Chelcy na kaibigan ko at nanay niya plus yung katulong nila ang alam kong na andito, pero bakit boses ng lalaki tong narinig ko???

Unti unti akong tumingin doon sa nag salita.

O.O Base naman sa reaction ko oo gulat, shock, medyo lumaki yung mata ko. Bigla din kase akong kinabahan

ka eye to eye ko ba naman tong lalaking gwapong to sa harap ko.

"Ano po yung bibilhin nyo?" ulit na tanong nya at doon lang ako nabalik sa realidad.

"Aa-- Anooo a-a dalawang Yelo nga" sagot ko naman na medyo nag isip pa ko nung una kung ano ang bibilhin ko bigla ko kaseng nalimutan. nakakahiya sino ba kase ito? kapatid sa labas ni Chelcy? pinsan? kinakapatid? o di kaya boyfriend? ughhh! ano batong iniisip ko pake ko ba kung sino to.

"Ahh sige wait lang" sabi nya

Tumango na lang ako na ang ibig sabihin ay oo, tumalikod na sya at nag umpisang mag lakad papasok sa loob.

Narinig kong tinatawag nya si chelcy.

Okay hintay mode nanaman ako lagi naman ganito.

Ilang minuto lang ay lumabas na ulit yung lalaki kanina dala ang dalawang yelo na naka plastic, kasama na din nya si chelcy.

" Oh Yen! Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sa akin ni chelcy, kilalang kilala na talaga ako nito. hindi ko lang naman yan basta kapit bahay, kalaro ko din yan, kaibigan at syempre ka kwentuhan at ka chismisan HAHA!

"Alam mo naman ang trabaho ko dito sa bahay kung di utusan ng mga kuya ko kapag wala silang pasok at lalo na ngayong bakasyon! " inis na sagot ko kay chelcy

"Oy eto na yung binili mong yelo baka matunaw na to, Lorenz paki abot na lang yan kay yen" sabi naman ni chelcy

"Ayy oo nga pala" yun na lang ang nasabi ko

Lumapit naman sakin yung Lorenz sabay abot ng binili kong yelo, medyo nahawakan pa nga nya yung kamay ko eh kyaaaah! ang lamig, siguro dahil na din sa pag hawak nya sa yelo. bumilis naman ngayon ang tibok ng puso ko ano ba ito? bakit ba ako kinakabahan.

Yelo ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon