CHAPTER: 02

5 0 0
                                    

LJ

Nang makabalik na kami sa room,halatang busy lahat sa pag-gawa ng report. Pag oras kasi ng mga ganitong gawain,seryoso ang lahat.

"Since hindi pa tayo nakapili ng topic para sa report natin,bigyan na lang muna natin ng time ang isa't isa para makapag-isip. For example, pumunta sa ibang place tapos mag hanap ng nakakaintrigang balita." sabi ni Ezekiel. Sa lahat ng lalaking nakilala ko,siya ang pinaka-close at pinagkakatiwalaan ko sa lahat syempre una na run 'yung Daddy ko.

"Pupunta muna ako sa c.r." sabi ni Shai.

"Shai,sama ako." sabi ko at sumunod na ako sa kaniya.

Habang naglalakad papunta sa c.r may napansin akong naka-itim papuntang Cooking Room.

"L.J?"

"Hoy!"

"Ayy pusang kabayo!" nagulat ako sa sigaw ni Shai.

"Wow ah sa gandang 'to?!" Reklamo niya.
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na halos maintindihan dahil nakatingin lang ako sa Cooking Room kung saan may nakita akong nakaitim.

"Nakikinig ka ba?!" tanong niya.

"Ha? Oo!oo nakikinig ako hehehe" sabi ko saka naglakad.

"Ano ba naman 'yan!" rinig kong reklamo ni Shai.

Pinipilit kong 'wag isipin ang nakita ko. Pero hindi ko mapigilang isipin na baka multo 'yun? Pero grabe naman,anong oras pa lang eh.

Pupunta na lang ako sa Library mamaya para makapag-isip nang mabuti about sa report namin.
Baka kasi mag reklamo pa si Ezekiel na wala akong ginagawa.

Pero nakakapag-taka lang kasi mukhang bumait siya ngayon? dati kasi laging nagrereklamo 'yun.

Lagi niya na lang sinasabi na 'hoy Louise!gumawa ka naman ng visual para sa report natin!'. 'Louise naman!'wag mong sabihing napapagod ka na eh nag-gunting ka lang naman ng pang design?!'. 'Louise, drawing mo ba 'yan? akala ko kasi grade 1 'yung nag-drawing niyan eh.'.

Napangiti na lang ako dahil sa ala-alang gusto kong balikan,kaso wala naman akong magagawa eh.

"L.J can you hold my bag for a while?" tanong ni Shai sa'kin sabay abot ng bag niya.

"Yes." sagot ko saka kinuha ang bag at pumasok na si Shai sa isang cubicle.

"Shai,samahan mo ako mamaya sa Library." Sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Why?" tanong niya.

"Tulungan mo akong mag-isip para sa report natin." sabi ko. Nakakatakot kasi mamaya sa Library,unti na lang kasi 'yung mga estudyanteng tatambay sa Library,minsan nga wala eh.

"Sorry. Hindi kita matutulungan,pupunta pa ako sa Math club." Sabi niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kung saan nandun si Shai at lumingon ako sa kaniya.

"Ay ganun ba? sige ako na lang. Sabay na lang tayo umuwi." sabi ko sa kaniya at ini-abot ang bag sa kaniya.

"Sorry talaga. Remember I'm the Vice president of that club. Nakakainis lang kasi si Paul 'yung president ng club namin. Puro nalang utos." reklamo niya habang naglalakad papalabas ng c.r.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wallpaper's PatternTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon