His Promise ||One-Shot||

112 3 21
                                    

 Title: His Promise

 Story Type: One-shot

 Characters: Aina,  etc.

Alam mo ba yung feeling na ... yung taong mahal mo.... ay may i-papangako sayo? Ang sarap ng feeling noh? Parang ispecial ka. Kaso, 'di naman lahat ng pangako ay natutupad. Minsan, napapako! Napakong pangako ang tawag sa ganun. 

Sa totoo lang, naranasan ko na iyan. Ako nga pala si Aina Hernandez. 23 years old na'ko. Accountancy kinuha kong course nung college, at nakatapos ako ng maayos. Actually, ako ang sunod na magmamana ng kumpanya ng parents ko. 

Oo nga pala, may boyfriend ako. Pangalan niya ay Jacob Lim. May lahi siyang chinese, pero di mo halata! Mukha talaga siyang Filipino, promise! Gwapo niya nga eh. Haha. Mabait, masipag, mayaman, oy! Di ko siya nagustuhan dahil sa pera ha! Pareho naman kaming anak ng may-ari ng kumpanya. 

Anyways, umalis siya dito sa Pinas dahil sa lolo niya sa Japan. 'Yung lolo niya kasi kailangan ng tulong para ata dun sa business nila sa Japan, ewan ba, pero sabi ko okay lang na aalis siya basta babalik agad. Oo, ang sabi niya. 

Kring, Kring. 

Tumatawag ako ngayon kay Jacob. Sinagot niya. "Hello?" Nakakamiss boses niya, hahaha! "Ui, Jacob! Musta na?" tanong ko. 

"Aina! Kaw pala yan, napatawag ka...bakit?" tanong niya. Eeeek, ano ka ba naman, Jacob? Minsan na nga lang tayo mag-usap e!

"Ah, bakit, nakakaistorbo ba ako? Sorry." sagot ko. 

"Ay, hindi naman, Aina. Babalik na ako dyan maybe after 2 weeks. Miss you, bye." sabi nya, at agad-agad binaba ang telepono. Hay nako. 

2 weeks later..... 

"Aina!"

Ang boses na 'yun....si....Jacob ba yon? Teka, hindi eh. Nandito ako sa parke. 'Di pede! 

"Aina!" 

Ha? Ano ba naman?! Lumingon ako sa kanan, nagulat. 

"Jacob?!" laking gulat kong makita siya. 

Tumakbo ako papunta sa kanya at hinagkan si'ya. "Ui, Jacob, kelan ka ba dumating?" tanong ko, nakangiti. 

"Kahapon lang, Aina." sabi niya. "M-Meron nga pala akong......s-sabihin......" 

"Ah, wait, ako muna! Di ba nag promise ka sa'ken na pakakasalan mo ako pagbalik mo?" tanong ko. Oo, nag pangako siya na pakakasalan nya ako agad-agad pagbalik niya. Nag pinkie promise pa nga kami, 'eh.

"Eh...yung na nga Aina eh......" sabi ni Jacob at biglang may tumawag sa kanya. 

"Jacob!" boses ng babae. 

Lumapit siya. Mayroon siyang itim na buhok, hm, pinoy din. "Siya nga pala si Ena. Um...Aina...si Ena ay fiancee ko....." 

FIANCEE?! 

"Pero...." sabi ko.

"Engage na kami dahil sa business. Sorry talaga, kailangan ko 'to." sabi ni Jacob, at umalis kasama si Ena. 

Umiyak ako, ng sobra. Isa na namang pangako ang napako, hay. Ansakit talaga, bakit ba kailangan pa ng ganoon? Hay. 'Di ko talaga matanggap to, 'kaso.....eto ang totoo. Sabi nga, reality is sad but true. Totoo naman eh. Umasa lang ako, at nasaktan. Nakakainis pag ganun, pero kailangan tanggapin. Ansakit lang kasi 'di nya manlang pinagtanggol yung relationship namen, diba? Isipin mo yun.....hahayaan lang nya......

Oo, minsan ang mga tao bulag sa pag-ibig. Sa sobrang pagmamahal sa boyfriend niya, nawawalan na ng pagmamahal sa sarili. Pero 'di ko 'yun hahayaan mang yari saken. Bahala na. Hay. Masakit lang talaga, as in. Super. 

(( A/N: Non of these is true. NOT TRUE, okay? One shot lang pati ito. So...finish na! ))

His Promise ||One-Shot||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon