"Malayo pa ba?" tanong ni Ruby kay Miya na nasa harapang parte ng sasakyan,"Malapit na, hihihi mag eenjoy talaga kayo!", wika nmn ni Miya na halatang di na mapakali sa
kinauupuan.Mga isang oras na ang nakalipas at nakarating na nga kmi sa bahay bakasyunan nina Miya, mag 'fe-farewell party' na kasi kaming mag babarkada dahil 'ga-graduate' na kmi sa mataas na paaralan. Ng nakarating na kmi sa aming paroroonan ay sabik na sabik na kaming nagsilabasan sa sasakyan,"ang sarap ng simoy ng hangin" wika ko sa kanila,"uy Azrail,nagsalita ka narin" sabi ni Nickolas "syempre may dila pa ako no" ," eh pero matanong ko lang, bakit ka pasulyap sulyap kay Allaine? HAHAHA" , "Hahaha di no! may Lucard na kaya sya""HOOY BAKIT NYO PINAGUUSAPAN KAIBIGAN NAMIN?" bulalas ni precious sa amin "FYI MR. AZRAIL MORIARTY! TAKEN NA KAYA TO SI ALLAINE! WAG MO NA SYANG KULITIN!"
"HOY KARIN ANG LAYU LAYU MONA DINIG MO PA TSIMOSA MO TALAGA!!" sigaw nmn ni Nickolas pabalik kay Precious
"tama na yan guys pumasok na tayo at tsaka 6:30 na, balita ko may mga aswang raw dito sige kayo HAHAHA""don't me miya babarilin kita!!" bulalas naman ni Ruby nang sinabi ni Miya iyon "tara na guys pasok na tayo" sabi naman ni Lucard sa lahat,
habang ako ay pasimpleng tumabi kay Allaine, oo inaamin ko gusto ko nga sya ngunit parang imposible ksi nandyan palagi si Lucard sa tabi nya ngunit sa mga panahon ngayon ay nag away raw sila kay narito ako para icomfort sya,"ako na magdadala ng bag mo Laine" sabi ko sa kanya"Ah sige,salamat talaga Azrail" sabay pakita ng mapuputing mga ngipin nya sa pag ngiti,
Nang lahat kami'y nakapasok ay kumain na kami ng hapunan,parang tipikal lng na mag babarkada,tawanan,kulitan,tsismisan, dinig na dinig na nga siguro sa labas ang mga boses namin, akalain mo, bente kaming lahat dito sa iisang bahay bakasyunan, pero mabuti nalang at walang gaanong tao rito pero yun ngalang, wala ring signal,kaya pahinga muna sa negosyo ko,kung ano ang negosyo ko? di mo na dapat malaman.
Nang matutulog na kaming lahat ay tinipon muna kmi sa gitna ni Miya
"alam ko marami tayo, at bilang class press. igo-group ko kayo by pairs, ok?""SIGE!" sagot ng lahat,
"ok so eto na, Michelle at Lucard, Kazzy at Ruby, Tan at Marko, Ramecess at Precious,ako at si pari ko'y,si Nickolas,tayo ang nasa baba, walang reklamo?"sabi ni miya sabay tingin kay Lucard
"wala naman Miya, sige pag patuloy mo na"habang tumingin papalayo
"sige ang nasa taas naman ay sina, Jodin at Xel Joy,ang mag kakambal,Mina at Mika,Alice at Odette, Lance at Roger, at ang pang HULI..."
"AYIEEEE!!!" sigawan ng lahat,habang kami ni Allaine ay dumistansya sa isa't isa dahil ang awkward,seryoso,
"oo,tama kayo naa,Allaine at Azrail" pagtatapos ni Miya
"kayong kayo na talaga" sabi ni Xel Joy sa akin dahil magkatabi lng din naman kami
"Miya,walang kami no!!"nagtawanan sila hanggang sa ma ubos na ata lahat ng tawa kaya pumaroon na sila sa kani kanilang kwarto,tapos ng nakapasok na kami ni Allaine sa aming kwarto ay sinabihan ko na syang matutulog na lamang ako sa sahig, ngunit ayaw nya dahil raw takot raw sya kay wala akong magawa.
Kinaumagahan ay may gumising sa aming tili,tili ata yun ni Xel Joy, "M-M-MAY PATAAAAY!!!!", dagliang nagising ang kaluluwa ko sa narinig,mabuti na lamang at nakaakap parin sa akin si allaine,at oo naka akap sya sa akin buong magdamag kay di ako nakatulog ng mabuti,di kasi ako komportable na merong katabi.Ginising ko kaagad si Allaine at hinangkayat na bumaba para tingnan ang nagyayari.
nang makababa kami ni Allaine,nakita naming nakahandusay si Precious,nag kumpulan na silang lahat na may bakas ng takot at pangamba sa mga mukha nila pero ako? HAHAHA ganito nga palagi nakikita ko,kaya wala ng bago,ng lumapit ako sa bangkay ni precious,biglang narinig ko ang pag hikbi ni allaine ngunit di ko na sya tiningnan,dahil mas naka pukaw ng attensyon ko ang papel na nasa tabi ni precious,napansin ko rin yung sugat nya sa leeg at may kotsilyo pa syang hawak sa kamay ngunit parang kakaiba eh,dahil sa papel na nakita sa katabi nya ay isang tula,hindi isang 'suicide note'
BINABASA MO ANG
Kabaliktaran
Short StorySi Azrail ay isang vigilante, bagama't isa lamang syang istudyante, ay sumama sa farewell party ng kanyang klase sa isang bahay bakasyunan,abangan ninyo kung anong mysteryo ang magaganap doon.