Slayer 17 New Section

534 16 1
                                    

IU's Pov:

Nagising nalang ako na kulay puti na ang paligid. Wait nasaan ako! Bigla nalang akong nakarinig ng batang umiiyak. Nasaan ba ako? Nasa hospital or nasa heaven. Baliw ka talaga IU. Pero bakit kulay puti lang ang nakikita ko.

"Alam mo IU! Mahal na Mahal kita! I love you"

Sino ba yon? Bakit niya binabanggit ang pangngalan ko. Boses lalaki yon ha!

"Oo mahal na mahal rin kita France!"

Wait! Sa Akin ang boses na yon ha! Wait mahal ko si France. Ewwwww! Eh! Mortal enemy ko yon eh! Saka bihag ko yon! Panaginip lang ito! Alam kong panaginip lang ito. Isang bangungot.

Gumising kana IU!

"Talaga! Mahal mo ako IU!"- boses ng lalaki nanaman.

Naging pamilyar na sa akin ang boses. Boses pala ni France. Pero paano napunta kay France ang panaginip ko. Bakit ako nanaginip tungkol sa amin. Argh!! Bakit? Bakit ako nanaginip kay France!

"Hey! Uril! Gising!Uril Gumising ka!"-sigaw ni KJ.

Saka nagising na ako. Salamat at panaginip lang yon! Pero bakit parang totoo.

"Hey Uril Are you okay?"-nag-alalang tanong ni KJ

Tumango lang ako.

"Nanaginip ka!"-tanong niya

Tanging tango lang isinasagot ko dahil di parin ako makalimot sa panaginip ko. Para talagang totoo.

"Kamusta kana? Nakita mo ba kung sino yong gumawa niyan sayo"-tanong niya sa akin

Ngayon lang bumalik sa realidad ang isipan kong binugbog pala ako. Medyo masakit pa yong pagkakatama sa bandang gilid ng tiyan ko at sa dalawang balikat ko..

"Hindi ko namukhaan yong isa dahil nakamaskara siya. Pero yong dalawa mga normal na studyante ng Dellik."- ako

Lumingon ako kay KJ dahil naka-pikit parin ako dahil masakit pa yong sugat ko. Ngayon ko lang napag-masdan ng maigi si KJ. Naka-side view kaseh siya . Ang gwapo talaga niya. Mahabang pilik mata, matangos na ilong at those lips.sh*t. Nagiging malandi kana IU.

"Ito ba sila"- saka inalalayan na makaupo ng maayos sa headboard ng kama.

Saka may pinakita siyang picture sa akin. Picture nong dalawang studyante. Pero sa picture na ito patay na sila.Yong babaeng nakapony tail ay sinaksak sa noo at may RB na nakalagay sa Damit nito gamit ang dugo nito.

"Ano itong RB!"-turo ko sa picture

"Rule Breakers!"

"Ah!"

Yong babaeng maikli ang buhok ay dilat ang mga mata at sa leeg nito ay may limang shuriken. Grabeh! Napaka-brutal nitong pag-patay ha!

"Sila nga! Pero yong usa lang ang diko mamukaan! Pero may kwintas siya na ang pendant ay Blue Dragon. Saka yong suot niya nakaitim lahat at may Logo sa kanyang left chest na BBD."- paliwanag ko

"Bloody Blue Dragon! Yong mga clan ng pasaway na Dellik at mga traydor"-sya

May ganon pala!

"Paano mo nga nalaman na may nag-tangka sa akin"- tanong ko

"Tinawagan ako!"- ikli nitong sagot sa sagot ko.

Ngayon ko lang nahalata na may sugat pala siya sa bandang labi niya.

"Anong nangyari dyan sa labi mo! Napa-away ka?"

"Ah! Wala ito! Nag-training lang ako at nasugatan"- paliwanag nito at nag-iwas ng tingin

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon