I was walking in the middle of the school grounds when someone threw rolled double sided tapes on me. There are lots of them and they stick in my uniform. And then another, and another. I was about to open one of them when my brother Ethan came near me.
“Wag mo nang pansinin yan. Umuwi ka na. Wag mong bubuksan yan dito, sa bahay nalang.”
But then, curiosity killed the cat. Binuksan ko ang isa and it says: “HINDI KA NILA HABANG BUHAY NA MAPOPROTEKTHAN. YOU’RE A DEAD MEAT NOW.”
O-kay. Is that a death threat? Hahaha! Hindi ko alam na uso pa pala yun. The one who gave me this is sick. Bakit naman nya ko papatayin?
Suddenly, someone grab the note from my hand.
“Ano ba!!!!”
“Kala ko naman love letter. Hahaha! Is this a joke? May hater ka pala. Hahaha!”
ugh. My bestfriend Eric. Ipinakita nya ito sa iba pa naming kaibigan na nasa tambayan kung saan malapit lang sa kinatatayuan ko. Kinuha nya ang ibang mga tapes na hawak ko at pinabasa nya rin ito sa kanila.
“Tae naman oh! Privacy naman!!!”
nakakainis! E paano nauna pa silang makabasa sakin dun sa mga threats kuno para sakin. Kinuha ko ulit yung mga yun at tinago. At dun ko naramdaman na may mga nakatitig sakin. Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakita. Weird. Feeling ko kailangan ko na ngang umuwi.
“Ge uwi nako.”
At umalis nako sa tambayan namin. Nagsitinginan ang mga tao paghakbang ko, kinabahan na ako. Totoo kaya yung sa tape? Mukhang tama si kuya na hindi ko dapat yun binuksan in public.
Tumakbo ako palabas at naramdaman kong may mga sumusunod sa akin. Nakakita ako ng mga lower years na papalapit sa akin at pinalibutan nila ako. Shit! Natatakot ako!
“Ate, pinapunta kami ni Kuya Ethan dito. Don’t worry, walang mananakit sayo.”
At parang go sign yun sa mga naghahabol sa akin at sinugod kami. Nagulat ako dahil ang daming humarang para protektahan ako. Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo? Ano bang kailangan nila sakin? Gulong gulo ako nang biglang may humila sa kamay ko. Si Kuya Ethan.
“Kuya!! Anong meron? Natatakot ako!!”
“Chill, walang mangyayaring masama sayo.”
At nilabanan nya yung mga lumalapit samin. Pero hindi ko kayang panoorin si kuya habang lumalaban. Tumulong ako kahit wala akong idea kung ano ito. Saktong pagsugod ko ay may humawak sa leeg ko at pinalipit ito. Yun ang nagpatigil sa kanilang lahat. At yun din ang kumitil sa aking buhay.
“120 is dead!!!”
At bigla akong nagising.