Say Something (EXO's Chen)

1.3K 68 27
                                    

 Nandito ako ngayon sa harapan ng klase namin. Kakanta ako, kailangan para sa music subject namin. Practical exam daw bago magraduation .Daming alam, graduation na eh may practical-practical pa. Malamang sa malamang gawa na yung mga grades namin ngayon.

Nung una excited akong kumanta dahil kakantahin ko yung I Won’t Give Up ni Jason Mraz.

Para sa kanya yun eh, kasi kahit anong mangyari hindi ako susuko sa kanya kahit gaano pa kahirap yun sitwasyon namin hinding hindi ako bibitiw sa kanya.

 Sinimulan ko na ang pagtugtog ng piano, Yes may grand piano sa Music room namin .

 Pagtugtog ko ng unang nota tumulo na agad yung luha ko.

 Ang sakit …

.

.

.

.

sobrang sakit

 Di ko akalain na sasabihin nya sa akin yung mga ganong bagay ... Mgabagay na makakadurog sa Puso ko.

 Bakit??

 Patuloy pa rin ako sa pagtug-tog at patuloy rin ang pagtulo ng mga luha ko.

 SAY SOMETHING IM GIVING UP ON YOU

 Simula pa lang pala, dapat itigil ko na. Bakit ko pa kasi pinaabot sa ganon yung nararamdaman ko sa kanya.

 I'LL BE THE ONE, IF YOU WANT ME TO

Patuloy pa rin sa pag pag-agos yung luha ko. Di ko pinapansin yung mga bulungan ng mga classmates ko.  NGAYON lang kasi na ako nakitang ganito, lagi akong masaya .

 ANYWHERE, I WOULD'VE FOLLOWED YOU

 Tinatawag na nga akong Troll dahil lagi nga ako nantitrip. Lagi ko silang pinagtitripan, halos lahat ng classmates kong babae galit sa akin dahil sa malakas nga ako magtrip, yung ibang lalaki inis din sa akin pano pinagtitripan ko mga crush nila. Yung mga kabarkada ko?? Yung 11 ugok na yun?? Sanay na sa akin, si Chanyeol at Sehun natuto na nga dahil sa akin kaya ayun galit na galit si Tanda sa akin..

Kilala nyo si Tanda?? Si Suho yun pano ang daming alam nun kala mo ang tagal na nabuhay sa mundo kinabog pa si Matteo Do eh.

Eh si Matteo Do/Do Min Joon  kilala nyo?? Pogi yun!!

 SAY SOMETHING, I'M GIVING UP ON YOU

 “Pwede ba itigil mo na yan!!! Lagi mo na lang ako pinakikielaman nakakainis ka na alam mo ba yun??” sigaw nya sa akin nung sitahin ko na naman sya.

 “Sinasabi ko lang naman wag ka ng umasa dun ugok na yun dahil hindi mo ba nakikita, hindi ka na nga nya pinapansin eh tapos habol ka pa ng habol!!” depensa ko. 

 Bakit lagi na sya??

 AND I AM FEELING SO SMALL

 Alam mo bang nanliliit ako kapag pinupuri mo sya??

 “Chennie ang pogi pogi nya noh” bulong nya habang tinitignan yung lalaking gusto nya. Yung lalaking hindi ako.

Say Something (EXO's Chen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon