two

91 5 5
                                    

Dedicated to AnneBeatableGirl! Hi bes HAHAHA. Ito yung realtalk na updated hoho

- Dwarfy


***

"Amanda Claire Villiones, I dare you to be my girl for the whole month."

Pagkasabi niya non, saktong bumukas yung elevator saka siya lumayo sa'kin at lumabas na ng elevator.

After ng ilang seconds, lumabas na ako kasi ano namang gagawin ko don? Tutunga? Pero ano daw? GIRLFRIEND NIYA DAW AKO?! FOR THE WHOLE MONTH?! Ano siya may sira sa utak?! Ipadala ko kaya siya sa mental ano?


Teka nga! Eh ngayon ko nga lang siya nakita! Sinong matinong taong magaayang maging girlfriend niya ang isang taong ngayon niya lang nakita at nakilala sa elevator?! At ALAM NIYA PA WHOLE NAME KO!


Ano siya stalker? Gwapong stalker okay fine. Pero ang creep niya! Kalimutan na nga natin 'yon, panigurado nakalimutan niya na yung dare niya sa'kin.


Pumunta ako sa quad dahil lahat ng booths and rides ay nandoon na. Pagkapasok ko dun sa tent market, amoy na amoy ko na agad yung masasarap na mga pagkain na binebenta dito. Shocks! Lalo tuloy akong nagutom ng wala sa oras!


"Hi Amanda!" may lumapit sa'king girl na medyo kasing height ko. Kung idedescribe ko siya, hmm may tenga, ilong, bibig, mata siya. Charing! Normal eyes, hindi chinita, hindi malaki mata. Normal lang! Medyo matangos yung ilong, wavy hair, maputi.


"Uhm hi?" awkward kong bati sakanya. Nagulat ako bigla niya akong hinila sa puro kwek-kwek, fishball, calamares, siomai, at kung ano ano pang turo-turo.


"I'm Savannah." pagpapakilala niya sa'kin ng nakangiti. Masayahin din pala ito, edi siya na!


"Paano mo nga pala ako nakilala?" nakakapagtaka lang kasi, bago pa lang ako dito tapos kilala niya na ako.


"Ikaw yung anak ni Mrs. Samantha Villiones diba? Nababasa ko kasi name mo lagi sa history book ng school na 'to." sabi ko nga. Hindi na ako papalag!


"Oo. So anong section mo?" tanong ko sakanya habang tumutusok ng kwek-kwek at fishball.


"Freshmen Asheville." sabi niya sa'kin habang tumutusok ng calamares.


Asheville? Familiar! Saan ko na ba narinig yon?


***


After 2 hrs nalaman kong yung family nila ay isa sa mga stockholder ng BSU. And yung full name niya ay Savannah Natalies Cuevas. Infairness mas maganda name niya kesa sa'kin. Yung name ko kasi ang bantot eh!


"So bakit ka lumipat dito sa BSU? I mean, maganda naman dito pero diba mas maganda sa EU?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon