Chapter 16

10.5K 261 13
                                    


BUMABA si Betsy ng kama at binuksan ang cabinet. "Kasi naman, excited lang akong maisuot itong bigay ng mama mo. Ang tagal ko na kasi sa mundo, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong pantulog. Kasi mahirap lang kami. 'Tapos, nang suotin ko pa, feeling ko, ang ganda-ganda ko, ang sexy-sexy ko—"

"You are, Betsy. You are," sabi ni Wayne.

"Kaso ayoko namang magahasa mo, kasi baka hindi naman ako pumalag." Kinuha niya iyong cotton leggings, isinuot habang nakatago sa likod ng pinto ng cabinet. Pagkatapos niyon ay mabilis niyang hinubad ang negligee at nagsuot ng puting T-shirt.

"That's better," sabi ni Wayne nang makita siya.

"Kailan ba uuwi ang mama mo? Kumbinsido na siya na mag-asawa nga tayo." Bumalik siya sa higaan.

"Monday raw."

Huwebes pa lang. May ilang araw pa siyang magpapanggap. Pero mukhang wala iyong patutunguhang maganda dahil obvious namang ayaw ni Wayne sa babae. Kung hindi ba naman siya gaga, si Alyssa nga na ubod ng ganda ay tinanggihan, siya pa kaya? Minsan talaga, masamang impluwensiya iyong mga pocketbook na nababasa niya, binibigyan siya ng huwad na pag-asa.

"Patayin mo na ang ilaw, pipilitin ko na lang makatulog," wika niya.

"Betsy, I'm sorry kung hindi kita napagbigyan sa gusto mong isuot. But let's face it, you're a very attractive woman. I'm a man, we're in one room, sharing one bed. Hindi natin masasabi ang puwedeng mangyari and I don't want that to happen to us. I like you, that's the truth. You're nice, kind-hearted, simple. I really like you a lot and I don't want to mess it up. I don't want complications—"

"Bakit umiiwas ka sa mga babae? Bading ka ba?"

Hindi naman ito na-offend sa tanong niya. "I used to fool around a lot before, then I realized, bihira lang naman talaga ang mga babae na pumapayag na makipag-sex na walang aasahan o hindi umaasa ng kahit ano."

"Siyempre naman. Kaya nga ibinigay sa iyo ang sarili, ibig sabihin, mahal ka at umaasang mahal mo rin siya," sabi niya.

"That's the point. At hindi ko naman maibigay sa kanila 'yong inaasahan nilang pagmamahal. I don't want to hurt them anymore, kaya umiiwas na lang ako. Besides, I can't afford to get one of them pregnant."

Umunan siya sa palad niya habang nakatukod ang siko sa isang unan. "Bakit ayaw mong magmahal? Broken-hearted ka ba?"

"You really love to talk, don't you?"

"Nasanay na kasi ako na may kakuwentuhan bago matulog. 'Yong kapatid kong babae, pati kuya ko o kaya ang mga inay. Maliit lang kasi ang bahay namin kaya wala kaming choice kundi maging close. Kaya, hindi ako sanay na 'yong kasama ko sa kuwarto, eh, hindi nagsasalita."

"Magkaiba tayo. I grew up in a big house. Kakalug-kalog kaming apat noon. Minsan, nasa bahay pala ang Mama, hindi namin alam. Toddler pa lang ako, may sarili na akong kuwarto. Ganoon din si Thea, my sister. May sari-sarili kaming mundo, so to speak. Kakain kami kung kailan namin gusto, minsan lang magkasabay-sabay. 'Pag bisperas ng Pasko, halimbawa, pero kapag araw na mismo ng Kapaskuhan, kanya-kanya na uli kami ng lakad," kuwento nito.

"Minsan, gusto ko ng ganoon, lalo na kapag may problema ako. Ang hirap mag-isip at magsentimyento kapag nakapaligid sa 'yo lahat ng kapamilya mo. Pero kapag masaya naman ako, gusto ko nakapaligid silang lahat sa akin. Masaya rin naman kahit wala kaming pera kadalasan, pero hindi madali. Minsan, nag-aaway rin kami. Madali kasing maaburido kapag walang pera."

"I supposed so. Pero, mas masuwerte ka kaysa sa akin. Alam mo ang ibig sabihin ng pamilya. Ako, I have no idea. Most of the time, I blame my roots sa nangyari sa buhay ko."

Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon