Simula

8 0 0
                                    

Simula

Rosette's

"Saan ka nanaman pupuntang bata ka?" tanong sa akin ni Manang Linda habang pababa ako sa hagdan.

Kakauwi ko lang kasi galing sa bahay nina Stacey, best friend ko. Galing kasi silang New York kaya pumunta kami doon sa bahay nila kasama yung classmates namin. First bonding namin yun kasama ang classmates ko at mas nakilala ko pa talaga sila. Para na tuloy kaming isang pamilya kaya naman good mood ako pagkauwi ng bahay.

"Mag ma-mall lang po manang. Babalik din po agad ako. Bibili ako ng regalo para kay Mommy at Daddy para sa anniversary nila sa makalawa." Sabi ko at tumango lang siya kaya lumabas na ako ng bahay.

"Good mood ata yun si Maam Rosette ah." Narinig kong sabi nung isang katulong namin. Natawa nalang ako. Ngiti kasi ako ng ngiti.

Kinuha ko na yung Wigo. Kaka-18 ko lang kaya meron na akong student's permit. Nag drive na agad ako patungo sa aming gate. Malayo ang bahay namin sa gate at ang daan papunta doon sa gate ay may mga bulaklak na rosas sa gilid at konting mga puno. Pagdating ko sa dulo ay agad namang binuksan ni Manong Roger (guard namin), yung gate.

Nagdrive na ako papuntang mall. Malayo-layo ito sa amin. Aabot ang byahe ng mga 10-15 minutes.

Wala sina Mommy at Daddy dahil pumunta kina Lola sa probinsya. Bukas pa sila uuwi kaya si Manang Linda at mga kasambahay lang ang kasama ko sa bahay.

Medyo dumidilim na yung mga daan dahil mag-gagabi na. Pagdating ko malapit sa mall ay marami nang mga ilaw at traffic narin.

Binuksan ko yung radio at sakto namang ang pinapatugtog ay yung single hit ni Justin Bieber - What Do You Mean.

I hit the steering wheel to the beat. Kumakanta kanta pa ako na parang baliw.

Napatingin ako sa malaking truck na nakasunod sa aking sasakyan. 8 wheelers ito at makikitang malalaki at mabibigat ang karga.

Pula pa ang ilaw ng traffic light hudyat na hindi pa pwedeng tumawid yung mga kotseng nasa lane ko. Nasa pinakaunahan ako at tinitignan lamang ang numero na nasa gilid ng traffic light. 1 minute pa.

45 seconds...

30 seconds...

15 seconds...

10 seconds...

9 seconds...

8 seconds...

7 seconds...

6 seconds...

5 seconds...


4...

3...

2...

1...

Nakapatong na yung paa ko sa gasolinador at handa ng magdrive ulit ng...


F
*TIIIIIIIIIIIT*





***





May babaeng duguan na nakahiga ngayon sa hospital bed. Hindi na ito masyadong makilala dahil kasalukuyan itong naliligo ng sariling dugo.

"Clear!" Sabi ng doctor habang sinusubukang isalba ang walang malay na babae.

Ginagawa nilang lahat para maisalba ang babaeng nakaratay sa kama. I could see that they're doing the best they could just to save the lifeless girl. Ngunit sa kabila ng kanilang ginagawa ay wala paring nangyayaring milagro. Hindi parin ito gumagalaw.

Napa-iling  ang doctor at napatingin ito sa kanyang relo.
"Time of death, 7:59 pm." Pagdedeklara nya.

Tinakpan nung nurse ang walang buhay na katawan nung babae. Napailing nalang din ako.

"Kawawa naman yung babae. Siguro ay naaksidente siya." Sabi ko sa sarili.

"Tss. Stupid." Rinig kong sabi nung lalaki sa may upuan na katabi nung babae. Nakatingin ito sa akin.

Ako ba yung sinabihan nya ng stupid? O baka siraulo na siguro ito kaya nagsasalita mag isa?

"Hoy! Ako ba yung sinabihan mo ng stupid!?" Sigaw ko sa kanya ngunit parang wala itong narinig at naka smirk lang.

"Hoy! Sino ka ba?!" Tanong ko dito.

"Are you dumb? Or you're just that stupid?" Tanong nito sa akin. Aba!

Napansin kong ang puti-puti nito. Naligo ba siya ng glutathione at ganyan siya kaputi? Naka all black pa ito at may suot na hat sa ulo. Taray!

"Hoy! Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan?! Ha!?" Sigaw ko.

"I'm here to take your soul to the after life." Kalmadong sabi nito. Napansin kong ang lamig ng boses n'ya.

"Anong soul-soul 'yang pinagsasabi mo?!" Sigaw ko.

Nasisiraan naba 'to ng bait? Anong kaluluwa yung sinasabi nya? Eh buhay pa naman ako.

"I'm your Grim Reaper and I'm here to help you cross the after life."

Grim Reaper daw? Ano 'to, Goblin? Ako ba yung niloloko nito? Siguro kakanood nya ng Goblin kaya gan'to yung epekto.

"Adik ka noh? Hoy! Kung sino kamang pontio pilato ka! Pumunta kana nga dun sa Halloween party na pupuntahan mo! Hospital to, baka naligaw ka lang!" Sabi ko.

Naku! Nakaka stress na yung mga tao ngayon. Kung anu-ano na yung pinagsasabi.

"Look at the girl on the bed."  Sabi nito.

Ewan ko ba pero parang bigla akong naintrigang tignan yung babae. 'Pag ako pinagtitripan lang pala ng isang 'to, makakasuntok talaga ako ng tao. Kung tao man siya.

Lumapit ako sa hospital bed at inalis yung takip na tela sa mukha ng babae. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako. O siguro natatakot lang ako dahil wala ng buhay ang isang 'to at heto ako tinitignan ang walang buhay nyang katawan.

Tinitigan ko pa ng mas matagal ang kanyang mukha. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino 'yon.












It's me. Laying on the hospital bed. Lifeless.









***
A/N

Hi guys! This is my first story here in wattpad. I'd be happy to know what you think about this one.

Thank you for reading!

-Dimxoxo

My GrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon