Chapter 3: Training with the Demon king

12 0 0
                                    

Sabrina POV

Pumasok kami sa isang tagong lugar dito sa HQ ng Black Devil Gang.

Madaming baril,knife,at iba pang gamit.
Kumuha ng dalawang baril si King at ibinigay sa akin ang isa nung una kinabahan ako pero hindi ko alam nakahawak naman na ako dati ng baril o baka naman natatakot lang ako kay King?

"Gusto kong ipaalala syo na sana nag isip ka muna bago mo pinili na sumali dito Black Devil Gang ." nakangisi niyang sabi hindi ko alam pero nakakatakot sya lalo na pag nakangisi....

"Kailangan mo mag focus tapos pag ready kana sundan mo kung saang parte ka dapat tumira." Sabi niya ng ibabatil ko na hindi ako makapag concentrate dahil alam ko na nakatingin sya sa akin ng ibaril ko at pagtingin ko hindi tumama sa target aissshh..

Nagulat ako ng biglang mabilis kong narinig ang sunod sunod na putok ng baril at pagtingin ko Wow!!! 0.0

"Easy.."nakangising sabi nito tss. 

"Hindi ka pasado." Sabi nito habang nakatalikod sa akin at naglakad papunta sa pinto bago niya buksan yung pinto nay sinabi sya na kinainis ko ng sobra...

"Hindi mo deserved na maging member ng grupo ko. Pero wag kang mag alala dahil bibigyan kita ng posisyon at yun ay ang maging slave ko.." Sambit nito at tumingin sa akin ng nakangisi at lumabas na sya at ako tulala lang natauhan ako ng mag sink in na sa utak ko ang lahat! Bwusit talaga yung demonyong yun! Hindi ko nga pinangarap na pumasok sa isang skwelahan na legal ang pagpatay at magibg slave!?

Pagdating ko sa dorm sinarado ko nang malakas yung pinto dahil badmood parin ako.

"Oh? Sab kamusta yung trai-" hindi ko na pinatapos si Xandra
Dahil nagsalita na agad ako.

"Hindi ok! Alam mo Xandra bakit ba ganyan yang demonyo mong kuya?! Ha?! Napakasama ng ugali!!!!" Galit na sabi ko.

Magsasalita na sana ulit sya pero inunahan ko na sya!

"Sabagay demonyo nga pala! Pero nakakapagtaka demonyo sya tapos ikaw anghel wow ha?!Akala ba ng kuya mo gusto kong pumasok dito sa skwelahan nato?! At ang mas malala pa gawin niyang slave!! Ok na sana eh! Kung hindi ako pasado ok lang pero yung bigyan nya ako ng isang trabaho bilang slave oba na yun!"sigaw ko.

Tumakbo ako papunta sa kwrto ko at isinara muli ng malakas ang pinto. Tumulo na yung mga luha ko. Ayaw ko man sigaw sigawan si Xandra at magsabi ng masasakit na salita binalot na talaga ako ng galit ko sana maging ok din ang lahat pagkatapos ko syang sigawan.

Xandra POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari naaawa ako kay Sab dahil sa ginawa ni kuya Van aisshhh... Nakakainis talaga si kuya hay.... Nasaktan din ako sa mga sinabi ni Sab pero alam ko kaya lang niya sinabi yun dahil sa galit niya kay kuya Van huminga muna ako bago umupo sa sofa. Bumukas ang pinto at pumasok sila Trish and Seline.

"Dumating na ba si Sab?"nag aalalang tanong nila.

"Yep." Malungkot kong sabi.

"So pasok na ba sya?" Nakangiting tanong ni Seline

Iling lang ang sinagot ko sa kanila.

"Ga?!" Takang tanong nila at kinuwento ko nga ang lahat sa kanila kahit sila nainis din kay kuya Van pero mas nangingibaw ang pag aalala naming tatlo para kay Sab.

Sabrina POV

Minulat ko ang mga mata ko at napabalikwas ng makita ko sa labas na gabi na katulog pala ako.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa dining room at nakita ko silang kumakain.

"Oh? Sab hali kana kain na sorry di ka na namin ginising ha?" Nakangiting sambit ni Xandra nakahinga ako ng Malamang hindi sya na nagalit sa mga sinabi ko kanina.

Natapos na kaming kumain at dumiretso na kami sa kanya kanya naming kwarto pero dalawang oras na ang nakakalipas hindi pa rin ako makatulog kaya napag isipan kong lumabas nagsuot ako ng jacket ko na may hood at lumabas ng kwarto. Paglabas ko sa dorm isang sampal ng hangin ang tumama sa mukha ko. Pumunta ako sa likod ng building at umupo sa puno pumikit ako pero napamulat din ng may magsalita.

"Why are you here?"inis na tanong ni Demonyo

""So what ? Kung nandito ako?" Pagtataray ko akala ba niya hindi ko nakakalimutan yung mga ginawa niya?!

"Tsss... Gabi na bumalik kana sa dorm niyo" sabi niya

"Ayoko nga! Kakarating ko lang dito noh! Saka hindi ako makatulog kaya ikaw nalang ang unalis!" Pag iinarte ko.

""Pwes kung hindi ka makatulog-" hindi na niya tinuloy yung sinabi niya bakit?

"Nevermind basta bumalik kana sa dorm niyo baka ikaw pa ang mapili nilang patayin." Sabi niya sabay talikod at naglakad.
Ang weird niya bat kaya hindi niya tinuloy tsss. ..

Dahil sa sinabi niya na baka ako pa ang mapili na patayin umalis na ako dun at bumalik sa dorm.

Iniisip ko parin yung kadugtong na sasabihin niya kanina tapos ang weird niya.... Aisssh... Makatulog na nga!

Freiner AcademyWhere stories live. Discover now