CHAPTER 3: Pick up line

155 23 4
                                    

CHAPTER 3: Pick up line

Naka-online na naman ako, hilig ko na nga yata ang paggamit ng facebook. Ilang gabi na rin pala kaming nagcha-chat ni Sopplhada at dahil online siya icha-chat ko siya.

CHAT BOX

Totoy Bibo: Good evening, anong ginagawa mo?

SOPPLHADA: Baka nagcha-chat?

(Hays. Likha ka nga talagang suplada.)

Totoy Bibo: Hehe. Oo nga.

SOPPLHADA: (^_^)

(Smiley lang ang sinend niya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Wait, 'di kaya nagugustuhan ko na siya? inaamin ko natutuwa ako kapag magka-chat kami. Palihim ko rin siyang tinititigan kapag nasa school pero hindi pinahahalata kay Denver.)

Totoy Bibo: Pwedeng mag pick up line?

(Ewan ko bakit ganyan ang message ko sa kanya. Malay niyo baka ito pa ang dahilan para maging close kami.)

SOPPLHADA: Okay

Totoy Bibo: Pera ka ba?

SOPPLHADA: Luma na iyan

(Aray.)

Totoy Bibo: Magtanong ka na lang ng bakit.

SOPPLHADA: Bakit?

Totoy Bibo: Kasi PERAng mamamatay ako kapag wala ka.

(HAHA akala niya siguro 'yung sasabihin ko "Kasi maghihirap ako kapag wala ka eh" Haha. Pwes nagkakamali siya. Syempre magaling rin ako no.)

SOPPLHADA: Hehe

(Iyon lang?)

Totoy Bibo: Meron pa

SOPPLHADA: Okay

Totoy Bibo: Patay ako

SOPPLHADA: Bakit?

Totoy Bibo: PATAY ako sa kamamahal sa'yo

SOPPLHADA: Ah

(Anong klaseng babae ba ito? Hindi man lang marunong kiligin.)

SOPPLHADA: Psst

Totoy Bibo: Bakit?

SOPPLHADA: May pick up line ako

Totoy Bibo: Sige ba

SOPPLHADA: Si Totoy Bibo ka ba?

Totoy Bibo: Bakit?

SOPPLHADA: Kasi waley ka. Bye!

SOPPLHADA is now offline

At talagang nag offline na siya. Makatulog na nga lang. Waley naman kasi ako.

***SCHOOL***

Wala naman kaming teacher kaya minabuti kong matulog. Ilang araw na akong inaantok lalo na dito sa room. Ilang segundo lang naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng katabi ko.

"Bakit Denver?"

"Officer ka ng Filipino Club di ba? May meeting kayo."

"Saan daw?"

"Sa room ng section 1 Third year."

"Salamat Tol."

Nagpasalamat ako kay Denver. Umalis ako kaagad nakakahiya naman kasi kung late ako. Pagdating ko sa room marami ng tao. Nakakapagtaka yata, wala si Sopplhada. Umupo ako sa bandang dulo. Maya-maya may umupo sa tabi ko nang tignan ko

"Sopplhada?" Bakit yata namumugto 'yung mga mata niya.

Tumingin siya sa akin at umiwas rin kaagad. Nagsimula na ang meeting pero wala akong maintindihan. Hindi ako mapakali. Pasimple akong lumilingon sa kanya. Ang kinis at ang puti ng pisnge at balat niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang magdikit ang mga braso namin. Ang gulo ko! Hindi ko siya gusto pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Wala nga ba talaga?

Napaka-bait ng mukha niya. Parang ang sarap niyang kaibigan. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag malapit kami sa isa't isa. What if? Huwag na nga lang hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko.

Nang dahil sa FRIEND REQUEST [ one shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon