Family will always protect you

109 7 0
                                    

Ace POV

Noong nalaman kona ang bawal na gawin doon lang ako natauhan naisip korin na ang pagkamatay ni Dave ay ako ang may kasalanan dahil masyado umaandar ang Curiosity ko.

Lumipas na ang gabing iyon at natulog kami sama sama sa pinaka malapit na kwarto. Nagising ako ng mayroong kumakalbit saakin

"Kuya Ace,Huyy" yan ang sinasabi ng boses at ng binuksan ko ang aking mata isang batang lalaki ang nasa harapan ko.

Hindi ito basta basta na normal na bata duguan ang muka nito at parang nasunog ang katawan at ang higit sa lahat parang kilalang kilala nyako.

Tumayo ako at hinila nyako at sabi "hinahanap ka ni Mama At Papa". Naglakad kami sa hallway at dinala nyako sa isang kwarto mayroon ako nakitang dalawang anino at tumingin sakin.

Hindi ako makapaniwala dahil ang nakita ko ay sunog na mga katawan at sira sirang muka na dumudugo at ang lalaki ay nakaluwa ang mata.

"WELCOME HOME"ito ang sinabi ng dalawa at dali dali akong nilapitan,ang nakakapagtaka lang ay mayroon silang dalang posporo.

Tinignan ko agad ang paligid at ng makita ko puno ng gasolina ang pinag tatapakan.

Hinulog nila ang posporo at agad sumabog ang lugar.

                                    ****

"ACE GISING"

"ACE NAPAPANO KA?"

"ACE HUYYY"

Nagising ako sa mga boses naiyon nakita ko si Andrei,Zyril,at Tito teng nasa harapan ko at nag aalala.

"Napano ka?"tanong saakin ni Zyril at dali dali kong sinagot ng "Apoy pag sabog" hindi ko alam bakit yun ang sinabi ko,siguro dahil wala pa ako sa sarili.

Inabutan ako ni Sophia ng tubig at mayroon syang ibinulong "Save yourself kuya ace"parang hindi ito boses ni Sophia boses ito ng lalaking bata.

Tinignan ko sa muka si Sophia pero ang nakita ko ay ang lalaking bata na tumatawag saakin ng kuya.

Nabitawan ko ang tubig dahil sa takot at dali daling napaurong. "Okay kalang ACE?"nag aalalang tanong ni Andrei

Oo,oo yun nalamang ang nasagot ko dahil baka pag sinabi ko mayroon itong kinalaman sa nakaraan kaya sosolohin konalang.

Habang nasa kwarto kami dumating ng nag papanic si Jeremy. "Napano ka?" Tanong ni Tito Teng.

"Ang daming gasulina" sabi ni Jeremy at nanlaki ang mata ko at nag tiningan si Andrei at Zyril.

"ALIS NA NG BAHAY" agad agad kami nag takbuhan bago kami makaalis ng kwarto nakita ko ang batang lalaki at nakangiti at mayroong ibinubulong.

Parang "Take care" napangiti nalang ako at naalala ko ang Picture sa may pintuan kung saan ko nakita ang litrato ko.

Noong malapit nakami sa exit narinig nanamin ang bagsabog at mayroong dalawang anino na nakasilip saakin.

Hindi konalamang pinansin at ng palabas nakami ng pinto nakita ko ang litrato namin dati

Nakita ko ang sarili ko bitbit ang isang batang lalaki at nandoon ang dalawang tao sa aking panaginip nagugulahan ako ng hindi ko napansin na malapit na saakin ang apoy.

Noong malapit nasaakin nag sisigawan na ang mga kasama ko sa labas pero hindi ko napapansin dahil nakatutok ako sa litrato.

Noong sobrang lapit na ng apoy mayroong bumulong saakin isang boses ng babae at lalaki.

"Ace Go na,ayaw namin na masama kapa saamin" yun ang sinabi at mayroong malakas na hangin na tumulak saakin papalabas at sakto nasunog na ang buong bahay at wala man akong nakuhang kahit ano mang bagay na maaring nakapagbalik ng aking memorya.

Ang tanging nakuha kolamang ay ang panaginip na nagbibigay saakin ng maaring mangyare. "Maraming salamat Mama,Papa at kapatid ko"

Noong sinabi ko iyon naramdaman ko ang sobrang lamig na hangin sa aking katawan para akong niyayakap pero hindi kona makita.

Haunted VillageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon