CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Lea's POV

"Ok class. Quiet." Biglang salita ng isang babae sa gitna.

Wews. Parang terror ata to. Natahimik naman yung mga classmate kong halatang maarte at mayayabang. Pshh.

"I'm Mrs. Reyes. And i'm your adviser this school year. I don't want you to introduce yourselves here in front so you better know your classmates on your own." Walang emosyong sabi ni mam.

Ang cold naman ni mam. Siguro baka naghiwalay sila ng asawa niya at pinagpalit siya sa ibang babae kaya masyado siyang nahurt at bigla nalang siyang nahu---

Di ko na natuloy yung pag-iimangine ko kasi bigla akong kinalbit ni Jasmine.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Tinatanong ka ni mam."

Huh? Bakit naman kaya?

"Yes, ma'am?" Magalang kong tanong sakanya.

Alangan namang sagutin ko siya ng 'heyo ma nega' baka first day ko palang nasa detention na ko.

"It seems that you are imagining something. Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka parin." Sabi naman ni mam.

Edi sige. Mahilig pa naman ako magkwento.

"Eh kasi po mam. Iniisip ko lang po kung bakit ka po baging cold na parang walang emosyon kasi po mostly na teacher na nakasalamuha ko mga soft hearted. Hehehe naisip ko po na baka nag hiwalay kayo ng asawa niyo tapos pinagpalit ka po sa ibang babae kaya po kayo nagkaganyan." Nakasmile kong sabi kay mam.

Bigla naman nagtawanan yung mga kaklase ko. Huh? Eh sa tinatong lang naman ako ni mam kung anong iniisip ko eh kaya feel free na sabihin yun.

Bigla namang umasim yung muka ni mam. Naku! Lagot ako nito. Kinabahan naman ako baka kung anong gawin sakin ni mam. At itapon niya sa ibang planeta.

"Ok, miss ---" naku ayan na.

"Mam. Sorry na po. Di na po mauulit. Wag niyo na po akong itapon sa ibang planeta please. I love the earth mam." Nagmamakaawa kong sabi kay mam.

Napahilot naman si mam si sintido nito.

Naku baka mas lalong nagalit si mam.
Mas lalo namang lumakas yung tawa ng mga kaklase ko.

"Miss. Get out." Biglang sigaw ni mam.

Hala si mam talaga tinanong-tanong niya ko tapos siya pa yung magagalit.

Napasimangot naman ako at kinuha nalang yung bag ko. First day na first may bad record agad ako.

"Jas. Maya nalang" malungkot sabi kay Jasmine na nakatingin sakin na parang nag-aalala.

Tumango naman siya at lumabas na ko ng room at naglibot nalang sa school.

Sa sobrang paglalakbay ko ay napadpad ako sa garden ng school.

Naupo naman ako kasi napagod po si ako.

Hayyyssss.. kapagod.

Maya maya ay may narinig akong nga yabag ng mga paa. Di ko alam sa sarili ko pero bigla nalang ako napatago sa likod ng puno malapit sa inuupuan ko.

"I'm sorry Anthony but we're over." Sabi ng isang boses na babae.

Sumilip naman ako para makita ko kung sino yung nag uusap. Nakatalikod sakin yung lalaki kaya di ko makita yung muka pero maganda yung babae.

"Dahil ba sa Felix na yun kaya mo ko hihiwalayan? For pete's sake Krisa dahil lang sa mukang oud na Felix na yun ipagpapalit mo ko dun at sinayang mo lang yung apat na taong pinagsamahan natin." Sabi ng lalake.

Sa mga salita ng lalake na yun ramdam ko ang hinanakit niya.

"I'm sorry Anthony pero break na tayo." Sabi ng babae na parang iiyak na.

Tumakbo nalang yung babae at iniwang nakatunganga yung lalake.

Napaupo nalang ako sa kitatayuan ko at inisip kung sakin kaya nangyari yun? Masasaktan din kaya ako?

*BOOOOGGGSSSSHH*
*BOOOOGGGSSSSHH*

Nagulat naman ako kasi biglang may sumuntok sa punong sinasandalan ko.

Huh? Gumalaw talaga yung puno? Sa laki ba naman nito siguro sobrang lakas ng sumuntok.

Tiningnan ko naman kung sino yung sumuntok. At sa gulat ko ay lumaki talaga yung mata ko na parang jolen. Yung lalakeng binreakan ng Girlfriend niya. Wawa naman.

Ansabe?? Haha.

Nakita ko namang gumagalaw yung balikat niya.

Hay naku. Kalalaking tao umiiyak dahil sa babae.

Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa ko na muntik ng ipunas sa pawis ko kaninang umaga pero di na natuloy kasi dumating si Jasmine. Waahh totoo nga yung sabi nila na 'everything happens for a reason'

Nilahad ko naman yung panyo sakanya.

"Oh. Wag ka ng umiyak. Para kang bakla na ninakawan ng make up kit at nabalian ng lipstick" sabi ko sakanya.

Bigla naman siyang tumingala at ako naman po ay na-starstruck sa kagwapohan niya. Nakita ko namang may parang butil ng luha sa ilalim ng mata niya. Sus. Nakakita na ko niyan nung umiyak si kuya dahil di siya pinayagan mag bar.

Tanga naman ng babaeng yun. Nakipagbreak sa gwapong nilalang na parang model ang katawan at siguro malaki yung--

Waahh kung ano ano na namang naisip ko.

Bigla ko namang na-shake yung ulo ko.

"Para kang tanga. Di naman ako umiiyak at di ako bakla. Anakan kita diyan eh." Cold na sabi niya.

Waaahh bata pa ko. Madami pa kong pangarap noh.

"Psshh ewan ko sayo. Ako na nga. Nahiya ka pa eh" sabi ko naman sakanya.

Ako na mismo yung nagpunas ng luha niya na isang butil lang.

"What the--"

"Oa mo. Wag kang mag-aalala walang sipon to." Sabi ko naman sakanya.

************************************

Sorry kung ganyang lang.

I'm trying may naman po. Hehe

-author

Default LoveWhere stories live. Discover now