Prologue

5 1 0
                                    

                     Theo Pov

Beep!!!!Beep!!!!

"Sino yan?!"-sigaw ko sa nagbusina sa kin.

Ang luwag ng daan,nagbubusina!

"Bumaba ka!"-sigaw ko ulit,di ko kasi makita kung sino ang nasa loob.

Nandito kami ngayon sa isang daan na walang masyadong sasakyan at di ko alam kung ano ito pero isa itong shortcut na madalas ko nang dinadaanan.

Kasalukuyan akong sumisigaw ng biglang bumukas ang pintuan ng kotseng bumusina sakin at bumaba ang babae maganda,maputi,at
sexy.

Napahanga ka agad ako sa kanya.Nakasuot siya ng white shirt at denim shorts at white na rubber shoes.Nakaladlad ang mahaba at kulot sa bandang ibaba niyang buhok na kulay gray na may brown at black.Sobrang kinis nang kanyang mukha,makapal pero may shape naman ang mga kilay niya,maganda ang mata niya,kulay dark gray ito at napakahaba at kapal ng pilikmata niya,matangos din ang kanyang ilong,ang kanyang pisngi ay parang kagaya ng kay Angelina Jolie,ang labi niya ay kagaya ng kay Kylie Jenner at ang kanyang mga ngipin ay napakaputi at napakanda.

"Hey! Who are you?"-nakangiting tanong ko sa babae na nasa harapan ko na walang emosyon ang mukha.

"I'm Bali"-walang emosyong sagot nito sakin.

"Bali?"-tanong ko ulit.

"Yes,I'm Bali"-sagot uli nito sakin

"Ahh okay!Bakit ka nga pala bumusina kanina,may kailangan ka ba?"-tanong ko

"Wala akong kailangan sayo,napindot ko lang ang busina kaya akala mo ay binusinahan kita"-kalmado at walang emosyon sagot nito.

"Ano yan?"-tanong ko sa kanya at tinuro ang hawak niyang Notebook.

"Diary"-kalmadong sagot nito

"Diary",pwede ko bang basahin?"-tanong ko sa kanya.

"Sige,pero dito ka sa loob ng kotse ko magbasa"-sagot nito sakin at napangiti ako.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at nagsimula na rin akong magbasa.

Ang Diary ni Bali

Ang Diary ni BaliWhere stories live. Discover now