The Fictional Character(One shot)

69 5 2
                                    

Ang lahat ng bagay ay nagmumula sa dimo inakala

Minsan,yung taong nakasabay mo lang sa daan biglang magiging parte ng buhay mo

Minsan,yung taong gusto mo di magiging iyo.

Minsan,yung taong pinaka aayawan mo dimo inakalang mamahalin.mo

At minsan yung crush na crush mong fictional character ng paborito mong fictional story ay operator pala ng taong hate na hate mo.

------------------------

Sabi ng mga kaibigan ko baliw na daw ako dahil lang sa kadahilanang patay na patay ako sa isang fictional character o FC sa paborito kong story sa wattpad.

Sabi nila nahihibang na ako dahil yung hindi pa totoo yung napag crushan ko.Bakit daw di nalang daw dun sa totoong tao ako magkagusto?

Pero ano bang pakialam nila hindi ba?Hindi naman nila katawan ang katawan ko at larong di nila puso ang puso ko para maramdaman din nila ang nararamdaman ko para kay FC crush

Sya si Alexander Standoff..isa sya sa bidang character sa paborito kong wattpad story.Mula palang nung binabasa ko bawat POV(point of view) nya diko alam kung bakit agad akong na attract sa kanya.Siguro narin dahil sa ganda ng role nya sa story.

Ang saya ko nga nung magkaroon sya ng operator sa fb e.Pakiramdam ko nun parang nagkatotoo sya.Agad agad ko pa nga syang in-add friend e.Nung tanggapin nya labis ang kasiyahan ko nun.Nasabi ko pa "Ang swerte ko talaga.Friend na kami ni crush"

Ang saya saya sa pakiramdam.Syempre crush mo lang yung from book then naging friend mo na sa fb.It's so amazing diba?Dream come true na mapansin ka nya.

Lagi akong o.l at laging active sa group page kung saan sya kabilang.Syempre sinusulit ko bawat pagkakataon na makausap ko sya kahit through mobile or computer lang.Kahit gumastos pa ako araw araw ng P10 pang unli FB para lang makausap sya ayos lang basta para sakin makausap manlang sya.Mapansin man lang nya ako ok na.

Baliw na siguro ako.Kasi alam ko namang walang patutungohan ang lahat ng pagpapapansin ko sa kanya dahil di naman sya tunay.Pero diko na yan inisip.E sa crush na crush ko e.Ok lang kung hindi kami for real.Kahit lang ba sa fb kami maging boyfriend/ girlfriend o kahit mapansin lang nya mga message ko sa kanya ayos na.

Tanggap ko naman na isa lang syang FC at ang pangarap ko lang noon ay maging totoo si Alexander Standoff na ngayon ay friend ko na nga sa fb.

Lahat yata ng post nya panay ang like ko.Obsessed ba masyado?Well ganyan talaga ako magka crush.E sa ganda ba namang lalaking yun na ang f.c real name ay Kwangmin ng k-pop band- Boyfriend sinong di magkakagusto dun?

Kung yung ibang FC na may operator iba ang personality nila sa fb sa story nila.Ibahin mo si Alexmylove.Kung ano yung personality nya sa story nya ganun din sya sa fb world. Ang galing nga eh.Kuhang kuha nya talaga.As in kuhang kuha nung operator.

Kaya siguro mula sa pagiging obsessed crush nag fall into love na ang nararamdaman ko sa kanya.

Oo mahal ko na sya.Umiibig na ako sa isang fictional character. Diko alam kung kelan ito nagsimula.Diko alam kung dahil sa personality nya bilang FC o ano basta ang alam ko lang nagising nalang ako isang araw mahal ko na sya.Na parang nakikipagkarera na ang puso ko sa tuwing  nakakausap ko sya.

Ganun naman ang pag ibig hindi ba?You don't know the reason why you love him.What it important is what you feel.Ang mahalaga masaya ka kapag nanjan sya.Na pinapakaba ka at pinapakilig ka sa tuwing kausap mo sya.

Back to reality tayo.Pakihanda po ang kumot at unan.Pangtakip sa lips kong magtitili at yayakapin ko habang magtitili ako.Kasi naman kinikilig ako sa mga banat nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fictional Character(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon