Si Kun Mei ay isang napakahusay na Kung Fu master at wala ni isa ang nakatalo sa kanya kahit pa ang kanyang ama.Siya rin ay isang napakagandang binibini at halos lahat ng mga lalaki ay nagkakandarapa sa kanya.Subalit ayaw ni Kun Mei ang umibig muli dahil ang tingin niya sa mga lalaki ay manloloko dahil na rin dati na siyang umibig ngunit iniwan siya nito dahil may iba daw siyang mahal.At lubos ang pagkagalit dito ni Kun Mei kaya naman nagpaturo siya sa kanyang ama na magkungfu dahil gusto daw niyang maghiganti sa lalaking umiwan sa kanya kaya naman heto siya ngayon napakahusay na kungfu master.Subalit hindi niya ito napatay dahil hindi niya ito nahanap kaya hindi na niya sinayang ang oras niya sa paghahanap sa lalaking iyon.Isang araw pinatawag ng kanyang ama ang lahat ng mga kalalakihan upang magpulong……………………
“Magkakaroon tayo ng labanan kung sino ang nanalo dito ay siyang aking ipapakasal sa aking anak na si Kun Mei” sabi ng ama ni Kun Mei “pero ama” sabi ni Kun Mei “wala ng pero pero Kun Mei,kailangan mo ng magpakasal upang hindi ka na nag-iisa” sagot ng kanyang ama “pero” “Kun Mei” “opo” “o cge ang gustong sumali sa labanan ay isulat ang inyong pangalan sa papel na iyon” “opo”
Nakalipas ang isang Araw……
“handa na ba kayo sa labanan” “handang handa na po” “o cge umpisahan na natin..ganito ang gagawin niyo…..hahatihin namin kayo sa dalawa at maglalaban kayo,kung sino ang nanalo sa inyo ay maaaring maikasal sa aking anak ngunit pagsasamahin namin kayong mga nanalo at ipaglalaban ulit hanggang sa isa nalang ang matira…maliwanag?” “opo” “o cge magumpisa na kayo”
Kinabukasan…
“ngayon na ang paghahayag kung sino ang nanalo sa labanan at ang nanalo ay si Kuai Fan,ngayon maaari mo nang pakasalan si Kun Mei”
Pagkalipas nang 3 taon na pagsasama ni Kun Mei at Kuai Fan bilang mag-asawa…..
“waaahhh napakagaling niyo talaga ni ina” “salamat anak” at sa tatlong taong nakalipas ay natutuhang mahalin ni Kun Mei si Kuai Fan dahil sa lubos na ring pagmamahal sa kanya ni Kuai Fan..Nagkaanak rin sila ng isang lalaki at gusto rin niyang maging isang napakahusay na kung Fu master gaya ng kanyang ama at ina…pinalaki nila ito ng maayos at ng pagmamahal..
………….END…………….
a/n
Sana po nagustuhan niyo!!!! Salamat po sa mga nagbasa ^_^