Chapter 3
Let's be a team
Hindi ko alam kung bakit tulo nalang ng tulo ang luha ko. I couldn't even speak. I literally felt the world shattering ng malaman ko si Ethan ang lalaking kasama, kayakap at kalambingan ni Sofia.
"R-reinne?" Hinawakan ako ni Adam. Hindi ako maka-galaw at maka-salita kaya hinayaan ko nalang siya. Siguro, nag-tataka siya kung bakit ako umiiyak over someone na alam niya hindi ko naman kilala. Hindi naman niya kasi alam na boyfriend ko to, pano tinatago nga ako di ba?
"I-it h-hurts," sabi ko. Hindi ko kayang i-accept yung fact na the first guy I ever loved, cheated on me. At nasa likod siya ng pinag-tataguan ko.
Adam tried to console me, even if siya nasasaktan rin. He hugged me at patuloy lang akong umiyak. Mahihinang hikbi ang naka-wala saakin. I couldn't control my tears sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
I stood up. He deserves my slap. He deserves to feel the pain na nararamdaman ko ngayon. But I know not even a million slap to his face could ever describe what I'm feeling right now.
Tumayo ako sa pinag-tataguan ko. Hindi ko alam if sumunod saakin si Adam. Pero pag-lapit ko sakanila ay agad kong nakita ang pag-kagulat ng kanilang mga mukha na may bahid ng takot.
"E-Eyn,"
"A-adam,"
Parehas silang namutla ng makita kaming dalawa. Hindi na ako nag-paligoy ligoy pa at agad na sinampal si Ethan. Sobrang lakas ng sampal ko na kahit ang kamay ko ay namanhid.
But I couldn't feel anything. Dere-deretso lang ang tulo ng luha ko.
"What the--" mag-sasalita sana si Sofia pero agad ko rin siyang sinampal ng malakas rin. Isang malutong na sampal rin ang nakuha niya sakin at naramdaman kong namamaga na rin ang kamay ko.
"You deserve more than that," sabi ko kahit na nanginginig ang boses.
"E-Eyn stop," sabi ni Ethan at agad na tinago si Sofia sa likod niya. I looked at Adam at nakitang galit din ito.
Sumakit ang puso ko sa fact na hindi manlang niya sinubukan mag-explain sakin. Talagang hinawakan niya si Sofia at tinago sa likod niya.
Within a span of seconds, Ethan was lying on the floor with his lips bleeding. Sinapak siya ni Adam.
Sumigaw naman si Sofia, "A-adam please! Let me explain," sabi nito. Pero it was too late, hawak ni Adam ang pulso ko at hinatak ako.
"Don't you dare follow us," matalim na sinabi ni Adam kay Sofia.
Hindi ko alam kung anong oras na, kung saan niya ako hinahatak, kung saan kami pupunta. Sobrang tulala ko lang at patuloy ng tumutulo ang luha ko.
"Reinne," sabi ni Adam. Tinignan ko siya at nakita kong pinapapasok niya ako sa all black niyang sportscar.
"It's Eyn. Saan tayo pupunta?" Sabi ko. I know I look like a mess right now probably, pero wala na akong pake wala na rin akong maisip pa. Gusto ko lang umiyak.
"I just want to talk, so please get in." Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko siya. Gusto ko rin ng makaka-usap.. I feel so empty.
Pumasok ako at sinarado niya ang pinto. Umikot naman siya para sumakay sa driver's seat. Tahimik lang ang aura pag pasok niya. Walang nag-sasalita samin dalawa, maybe because we don't know where to start. We're both broken, at kahit hindi siya expressive katulad kong kanina pa iyak ng iyak, I know he's hurt. Hindi lang ang ego niya kundi siya rin.
"I-I'm sorry. I didn't know, sana pala hindi nalang kita sinama." He said, breaking the silence.
"Kung hindi mo ako sinama, habang buhay kong iispin na ako yung nag-kukulang. I'll continue feeding on his lies hanggang sa akala ko ako talaga ang may mali. Don't feel sorry." sabi ko at tumingin sa window.
BINABASA MO ANG
The Sweetheart Deal
RomanceHow long will this deal last? How long will I pretend that I'm not in love? REVISED