Once upon a Night
Nasa bahay ako ng mga ABDURAHMAN. doon kasi ako pinatulog ni raissa(bestfriend) kasi wala siya kasama sa kwarto niyang matulog. kaya doon ako natulog sa kanila XD
Nandoon yung nanay niya tatay niya at ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na lalake nanonood kame ng T.V. nun tapos isa isa na silang pumasok ng kwarto nila. So dalawa na lang kame ni raissa nanonood ng t.v sa sala nang bigla kameng nakaamoy ng mabaho na parang bulok na ewan.
(Lumabas yung tatay ni raissa sa kwarto para kausapin kame)
tatay:naamoy niyo yung baho?
raissa&me:OPO (sabay naming sabi)
tatay:May binaril na bakla doon sa may kanto nung isang araw, baka nag LULUTAW yun kaya wag na wag ninyong bubuksan yung pinto kasi may LUTAW sa labas pag bakla kasi yung LUTAW sobrang mabaho
Me:(Napalipat ako ng upuan malapit kay raissa sa sobrang takot ko at hawak hawak ko yung braso niya na parang hindi ko na ito mabitawan) HUH! totoo po ba yung sinasabi niyo?
tatay:Oo naman(pumasok na siya sa kwarto nila)
Me:Raissa uuwi na ako? ihatid mo ko sa bahay namin?
Raissa:Narinig mo naman yung sinabi ng tatay ko diba?
Me:Oo naman rinig na rinig ko, matulog na tayo natatakot na ako raissa
(12:30 A.M Pumasok na kame sa kwarto niya para matulog. Hindi naman kalakihan yung kwarto niya tamang tama lang at wala itong pintuan kurtina lang ang nag sisilbing pintuan nito kulay pink pa nga)
Raissa:Off mo yung ilaw?
Me:Bakit ako? ikaw na!
Raissa:(Tumatawa) hahahahaha ikaw na ba
Me:Huh?! ikaw na alam mo na nga na natatakot na ako tawa ka lang na tawa dyan.
Raissa:(Inooff yung ilaw) matulog kana nga para mawala yung takot mo
Me:Pano ako makakatulog sa sobrang takot ko(Hindi makatulog)
(1:25 A.M. natulog na si Raissa nieh! hindi man lang siya natakot sa sinabi ng tatay niya)
Hindi talaga ako makatulog dahil sa sinabi ng tatay niya hanggang sa nag 3 A.M na.May niririnig ako sa sala na parang may bumubukas ng pintuan nila.Narinig ko yun ng tatlong beses. Kinabahan ako sa narinig ko hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Akala ko imagination ko lang yun. Hanggang sa may nakita na akong tao(parang nakabalot sa tela) sa labas ng kwarto niya na pabalik balik takot na takot na ako nung gabing iyon. Hindi ko na alam yung gagawin ko sa sobrang takot ko. Nung mga oras na yun gusto ko pa talagang mga C.R sa sobrang takot kong lumabas ng kwarto pinigilan ko ito ng isang oras. 4 A.M na. Hindi parin ako nakakatulog at nakakapunta sa C.R. 4 A.M kasi gumigising yung nanay niya kasi may trabaho ito pero nung time na yun hindi gumising yung nanay niya ng ganung oras natakot ako. Nang biglang may dumaan sa kurtina sa sobrang takot ko pinikit ko yung mga mata ko para hindi ko makita. 6 A.M na ng umaga nagising na si raissa sabi ko kay raissa na uuwi na ako hinatid niya ako palabas ng bahay nila. Tumakbo ako papuntang bahay namin sa sobrang takot ko. Nakarating na ako sa bahay namin puyat na puyat ako gusto ko pa talagang matulog pumasok na ako sa kwarto at natulog.
THE END