Angelie's PoV
"Angel break na tayo may mahal na akong iba." sabi ni Ben ang magiging ex-boyfriend ko ngayon dahil kakatayin ko na siya sa kamatayan niya...joke lang...grabe nakapagjoke pa ako sa lagay nato?!...
"Hayop ka! Pinaasa mo ako sayo sabi mo ako lang! Walang hiya ka." pinagsasampal ko siya, wala akong pakealam kung may escandalo kami dito...Tumakbo na ako palayo sakanya dahil kinamumuhian ko na ang mukha niya...
Angelo's POV
"Jen mahal mo pa ba ako?" nagmamakaawa ako sakanya na wag akong hiwalayan. "Hindi ka ba nakakaintindi?! Sabi nang ayaw ko sayo, eh!" at umalis na siya sa harapan ko habang ako naiwan na nakaluhod at pinagtitinginan ng mga tao...
Naglakad nalang ako sa ewan, bahala na kung saan ako mapadpad. Ang sakit minahal ko siya nang sobra pero sinaktan lang niya ako...
3rd's Person POV
Umiiyak ang dalawa at walang pakealam sa kanilang paligid, hanggang nakarating sila sa park...
Dahil lutang sila galing sa pagkaheartbreak nabunggo nila ang isa't-isa, "Naku miss sorry. Hindi kita nakita." sabi ni Angelo, "Pasensya na din, hindi din kita napansin." at tinulungan ni Angelo na makatayo si Angelie sa pagkaupo nito sa sahig...
Tinignan ni Angelo ang babae, "Miss mukhang nalove at first sight ako sayo." (♥_♥), "Ako rin. Ang gwapo mo." naiinlove na sabi ni Angelie..."Ako nga pala si Angelo Ikaw anong pangalan mo?" inilahad niya ang kamay sa dalaga, "Ako naman si Angelie." tapos nakipag handshake siya sa binata...
"Pwede ba kitang maging girlfriend?" habang seryosong nakatingin sa mga mata nitong dalaga. "Oo sinasagot na kita!" masayang banggit ng dalaga...
At dun sila naging MagJowa Agad-Agad?!
~The End ♥
