Prom 3

318 6 0
                                    

Nandito na kami sa venue. Sa School Gym. Gaya ng nasa panaginip ko, bongga talaga. 

Pumunta naman agad kami sa table ni Kim. 6:30 na pero di pa nagsisimula. Filipino time naman talaga oo. Btw, hindi masquerade ang theme namin ngayon. haha sa panaginip ko lang yun.

"You look gorgeous!" Sabi ni Jeff na dakila kong seatmate.

 "Thanks!" sabi ko naman. 

"Whoooaaahhh!!! Tol, ikaw na ba yan?!!!" Sabi naman ni Dex na boyfriend ni Kim. Halatang gulat na gulat. 

"Oo. Ako to brad. Ayos ba?" Sabi ko na may pagmamayabang.

"Anong nakain mo at gumanda ka?" 

"Makapagsalita naman to. Maganda na ako, dati pa. Haha De joke."

Ganyan talaga kami ni Dex mag-usap. haha 

After 45676544365232783 years!! nagsimula na ang program. 

"Teka. Nasan si Dave?"  Di ko pa siya nakita mula pa kanina. S pagkakaalala ko umabsent siya kahapon sa klase dahil may lagnat daw siya. Hindi kaya di pa siya gumagaling?

"Uuuyyy...." sabi naman ng tatlong sira ulo.

"Tumigil nga kayo! Gusto niyo ng Sapak?!!" nyemas na mga to. Nagbibigay-malisya e concerned lang naman ako sa tao e.

"Ayun siya oh." Sabay turo ni Kim.

Nakita ko naman. He's fine and Handsome. What the. Naalala ko nanaman ung panaginip ko. 

"What's wrong Hannah?" tanong ni Kim.

"Ah wala naman."

"You sure?"

"Yes."

"Kim, let's dance." yaya ni Dex kay Kim.

Nakita ko namang tumango si Kim. At ayun nasa gitna na sila. Si Jeff naman. Nakita kong tumayo at naglakad papunta sa table nila... Mitch? Teka, anong meron? First dance yun ah. 

So heto ako ngayon...Nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Chos! haha napakanta ng wala sa oras. Hinanap ko nalang si Dave gamit ang aking tantalizing eyes habang nakaupo lang.Teka. Bakit ko nga ba siya hinahanap? 

Teka pang 5th song na to ah. Bakit di pa ako sinasayaw ni Dex? Naenjoy naman na nilang magsayaw ni Kim. Di na sila umalis dun sa dancefloor.

Nagulat naman ako ng may naglahad ng palad sa harap ko. George? Nakakagulat lang dahil di ko siya kaclose pero.. ayun nagsayaw kami then may binigay siyang maliit na papel na may sulat na...

Hey,  Hey? Haha lakas ng trip neto ah. Para san to? Ngumiti lang siya. Tapos iniwanan niya ako sa gitna. E siraulo pala etong isang to e. Isasayaw ako tapos iiwan lang ako ng basta-basta. Humanda ka bukas. Uupakan talaga kita kung di lang ako naka gown at high heels. 

Pero bago pa man ako magfreak out ng sobra. May lalaking tumayo sa harap ko then..isinayaw ulet ako. Di ko sila masyadong kaclose di ko alam kung anong pangalan neto. Pagkatapos nun e may binigay siyang paper..colored paper.Kulay light blue. Parang parehas lang sa binigay ni George kanina. Pero Beautiful  ang nakasulat. then ganun din yung nangyari. Iniwan ako tapos may ibang magsasayaw sa kin. Binigyan nila ako ng papel na may nakasulat na kung ano-ano.

Hey

Beautiful

Please 

See

Me 

At 

The 

Garden

Now!

Tinignan ko naman ng masama ung mga lalaking nagbigay sakin ng mga papel. At nakangiti pa ang mga loko. 

Tinignan ko naman si Kim na hanggang ngayon ay sinasayaw parin ni Dex. 

"Go!" sabi niya. The hell. Pati ba naman siya kinuntsaba pa nila. Ano bang kalokohan to?

"He's waiting." bulong naman ni Jeff. 

"Sino?" pagtatanong ko naman habang nakataas ang isa kong kilay. 

"Go and find out." Sabi naman ni..... Mitch?

At dahil sa sobrang pagkacurious ko. Pumunta naman agad ako sa school garden.

Shemay naman. Bakit ang dilim??? Brownout ba o sadyang nagtitipid lang sa kuryente ang school? Lagot talaga sakin ung mga lokong yun kung sakali mang prank lang to. Alam na nga lang nila na takot ako sa dilim eh. Mauupakan ko talaga yung mga yon. 

Aalis na sana ako ng biglang magsindi yung mga ilaw. De joke. Christmas lights pala. Sobrang liwanag. Pasko na ba? Lakas ng trip ng principal ah. February palang pero may Christmas lights na. Masyadong atat na magpasko? haha

Nagulat naman ako ng may biglang may nagtakip sa mga mata ko. What the f*ck!! Sinasabi ko na nga ba e. Talaga bang papatayin nila ako sa takot? Putek naman. Di pa ako nakakaget-over sa horror movie na coming soon tapos pinagtritripan pa nila ako ng parang ganon? Mapapatay ko talaga yung may pasimuno ng lahat ng to. Oh jusko. Huhu tulungan niyo po ako.

PROMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon