Chapter 1: I'm fine

5 1 0
                                    


Heto ako ngayon na may maikling buhok na kulay abo, naka eyeglases at naka pang lalaking uniform ng pumasok sa panibago kong paaralan sa kadahilanang dinala ako ng tatay ko dito para maslalong mahasa ang utak ko. Pinapasukan ko lang naman ang isa sa kilalang eskwelahan sa mundo ang Gregory high.

Base sa aking research nakuha daw ang pangalan ng school na ito sa isang babaeng napakatalino ngunit tinakwil ng kanyang mga magulang dahil hindi nya nagawang bigyan ng apo ang mga ito. Sabi naman ng iba nagkaroon daw ng anak na babae si Georgia sa isang lalaking hindi kilala.

Itinago ni Georgia ang kanyang sarili sa pangalang Gregory at nagbihis sya ng panglalaki upang hindi makilala ng kanyang mga kamag- anak. Dahil sa gusto ni Georgia na makabawi sa kanyang mga magulang nagtayo siya ng eskwelahan na sinunod sa kanyang pangalan ang Gregory High

——

Dinadala ako ngayon ng sarili kong paa sa tugtog na aking naririnig. Huminto ako sa tapat ng isang room at nakita ang mga lalaking tumutugtog at mga babaeng nagsisigawan. Dahil isa nga akong lesbian hindi ako nakisabay sa tilian nila dahil ang gusto ko ako yung tinitilian tulad ng mga lalaking tumutugtog ngayon.

Dahil nga transferee ako dito, hindi ko pa kilala yung mga taong nasa paligid ko at iilan palang sa mga kaklase ko ang kilala ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa balikat ko

"Fiora!" si Marco, pagod na pagod kaya napakapit sa balikat ko.

"kanina ka pa hinahanap ni ma'am Leah!" Asik niya.

"Bakit daw?" Pagalit kong tanong sa kanya.

"Kabago-bago mo palang daw nag gagala kana!"

"Eh bakit ba, breaktime naman natin ngayon diba? At tingnan mo nga oh ang daming taong nandito hindi lang naman ako!" siga kong sagot sa kanya.

"Eh bakit ba, ka level ba natin yang mga taong yan? Mga Junior High palang yan at iba ang schedule nila sa atin" pag sagot nya na parang ng aasar.

"Alam ko ba?" Alam na niyang bago pa lang ako rito eh.

"Lagot ka kay Ma'am Leah... " pananakot nya sakin at kala naman nya natatakot ako.

Nasa harap na ako ng pinto ng classroom, pumasok na si Marco sa loob ng room kaya naiwan akong magisa sa labas habang pinagtitiginan ng aking mga kaklaseng pasmado ang dila.

"Nene! Hindi ko nagustuhan ang pagliban mo sa oras ng klase ko at lalong hindi ko nagustuhan ang pananamit mo kasi sayang ang ganda mong babae!" Nainis ako sa pagtawag sa akin ni Ma'am Leah ng Nene kaya...

"Pasensya na po Ma'am... Hindi ko pa po kasi alam ang mga patakaran dito at bukas na bukas po iibahin ko na po yung pananamit ko at pwede rin po ba ma'am sa susunod huwag niyo na po akong tawaging Nene?..."

Nang sinabi ko yon nagsitinginan halos lahat ng mga kaklase ko na para bang first time lang may kumwestyon sa guring nasa harap nila.

"Walang problema Totoy kaya umupo kana at dahil late ka magtatanong ako sayo about sa Topic namin habang wala ka"

Nang aasar yata to si ma'am Leah kanina Nene ang tinawag sa akin at ngayon naman totoy? Pero ok na yun at least panglalaki yung totoy...
At magtatanong pa siya sa topic nila habang wala ako? Ano namang isasagot ko. Btw I'll try my best to prove that I have enough knowledge and I belong to this school.

"Ok Fiora... Ano ang pagkakaiba ng DNA sa RNA?" tanong ni Ma'am leah na parang Hindi ko masasagot yung tanong niya.

Kahit grade 3 naman masasagot yang napakadaling tanong na yan eh. Sagutin ko na lang para walang problema.

"Ang pagkakaiba po ng DNA sa RNA ay ang letra, pangalawa ay DNA stands for deoxyribonucleic acid, whilst RNA is ribonucleic acid at ang pangatlo ay DNA is a double-stranded molecule while RNA is a single stranded molecule. DNA is stable under alkaline conditions while RNA is not..." Pagsagot ko kay Ma'am na kunyari ay inaantok pa sabay hikab.

"Very good Fiora." Tanging ayan lang ang nasabi ni Ma'am sa sagot kong pang Miss Universe.

Natapos na si Ma'am magturo at break time na namin ngayon kaya papunta na ako sa canteen kasama ang bago kong katropa na si Marco.

"Marco, kilala mo ba yung mga lalaking tumutugtog dun sa kabilang building?" I asked.

"Ay sila ba?"  Baliw ata tong kausap ko.

"Ay hindi... Baka ikaw" pamimilosopo ko Kay Marco

"Kilala sila dito dahil sa kanilang itsura at kagalingan sa pagtugtog" Sagot nya.

"Nakakakilig ba mga tugtugan nila?" Out of curiosity na tanungan.

"Bakit mo naman natanong? Kinikilig ka pala?"
Tanong niya na.

"Anong kala mo sakin? Porke tomboy wala ng dahilan para kiligin?"

Tinitigan ako saglit ni Marco na parang nang-aasar sabay bangga ng braso niya sa braso koko na parang nang-aasar sabay akbay at hila sa akin papasok sa canteen. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung oras na iyon.

Nakarating na kami sa canteen nilang napakalaki at puno ng foodstall ang paligid .
Magkasunod lang kami ni Marco sa pila nasa unahan ako at nasa likuran ko siya. Umorder na kami ng makakain.

Dala naming ang bawat tray ng pagkain at naghahanap ng mauupuan. Huminto kami malapit sa table ng mag-jowa na mukhang matatapos ng kumain.

"Ganito ba lagi dito?"

"What do you mean?" Him.

"Maraming tao at halos walang table na makakainan"

"Hintay lang tayo saglit at paalis na-" di na niya natapos ang kaniyang sasabihin kasi tumayo na yung mag-jowa at umupo soya bigla.

"Ano yon? Trip to Jerusalem?" Pang-aasar ko.

"Loko! Tingnan mo nga yang mga nakapalibot satin. Kung hindi ka mabilis hindi ka makakakain."

"Kalma ka lang..." sabay taas ng dalawang kamay ko na parang suko na.

Sinimulan na naming kainin ang bawat isa... ay bawat pagkain.

"Pahingi naman niyan!" Si Marco.

"Ang galing mo no? Kung ito na lang rin sana inorder mo para makakain ako ng maayos!"

"Damot mo! Parang wala kang kapatid ah." Asik niya.

Huminga ako ng malalim dahil sa isang ala-alang sinubukan ko nang kalimutan na bumalik nanaman.

"Are you ok?"

***

Author's note:

Hi Guys! Naging maganda bang simula to para sa Journey ni Fiora sa bago niyang school?

Feedback naman po kayo kung nagustuhan niyo yung story para sipagin akong mag-update.

Salamat pooooooo

Tweet me @IShallReturnnnn












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LESBIANAWhere stories live. Discover now