Do Stupid Guys fall in love?

114 3 0
                                    

 I totally hate Guys.

Mga wala silang kwenta.

Mga Baduy.

Mga Manloloko.

Mga hampas-lupa.

Mga walang magawa.

      Kung mag-iisip ako ng bagay na puro negative ay sila agad ang pumapasok sa isip ko. Hindi naman sa bitter ako kundi ayoko lang talaga ng mga katulad nila. Kaya ko naman silang pakisamahan ng maayos kung hindi nila papairalin ung mga negative traits nila . Yung iba kaseng lalaki, puri ng puri sayo. Hindi mo na tuloy alam kung totoo pa ba yun o niloloko ka lang o wala nalang ibang masabi o sadyang nagpapacute lang. 

      Ang isa pang ayaw ko sa ugali nila eh ung pangako sila ng pangako pero hindi naman nila kayang panindigan. Kagaya nalang ng kaibigan kong si Mia,  nagkaron sya ng Boyfriend na taga-labas ng School namin. Sa all-girls school kasi kami nag-aaral kaya ipinagbabawal talaga ang pagpasok ng mga lalaking tagalabas sa school namin. Isa pang reason ay PRIVATE SCHOOL ito. Sino ba naman tangang Guard ang basta basta nalang magpapasok ng stranger sa loob ng isang napakagandang eskwelahan kagaya nalang namin. 

       First-year highschool kami nung nakilala nya ung hampas-lupang lalaki na si Nathe (as in "neyt").  Sabi nya sakin eh nakilala daw nya yung lalaki na yun sa isang resto kung saan daw sya nagpalipas ng ulan nung umuulan. (hahaha)  Sa sandaling oras daw na yon ay nagkakilala silang mabuti at pagkatapos palang ng apat na umaga at tatlong gabi ay naging sila na. Simula non ay lagi nalang nyang kinukwento sakin kung gaano daw ka-gentleman si Nathe at noon lang daw nya naranasan ang ganun. At dahil nga kaibigan ko sya ay hnayaan ko na ding pakinggan ang mga non-sense nyang kwento. Lagi ko syang sinasabihan na masyado pa silang bata sa mga ganung bagay pero hindi sya nakikinig. Ang sabi nya, nagmamahalan daw sya at may tiwala syang hindi sya kayang saktan o iwan nung Nathe. At dahil nga kaibigan at mahal ko sya, ay pinili ko nalang huwag makialam. Feeling ko naman kasi ay masaya sya sa ginagawa nya at susuportahan ko nalang yun.

       PERO ISANG ARAW, nakita ko nalang si Mia na iyak ng iyak na halos sumuko na yung mata nya sa paglalabas ng mga Luha.

       "MIA ! Bakit ka umiiyak?! anong nangyari sayo?!"

 "si.. si .. si Nathe ..  iniwan nya na ko ..."

"yung lalaking yon?! sabi ko naman sayo dba! wag na wag kang maniniwala sa mga pinagsasabi non! ilang beses ko na bang sinabi sayo na mga bata pa kayo para dyan! sa edad natin ngayon, wala pang mga lalaking KUNG MERON MAN ay kayang magseryoso sa mga ganyang bagay!" Sabi ko sa kanya na para bang ako yung Nanay nya.

"alam ko naman yun eh .. kaso mahal ko lang talaga sya .. hhuhu.."

 Tch. PATAY TAYO DYAN. MAHAL DAW EH. Dyan talaga nagsisimula yung katangahan at kamartiran ng isang babae. Ewan ko ba! hindi ko din ba maintindihan! Ang daming naloloko ng dahil dyan. Susko .. wala na siguro akong ibang magagawa kundi ang intindihin ko nalang sila. Hindi ko pa kasi nararamdaman ang ganyang feeling sa isang lalaki eh .. pero mukhang malabong mangyari yun. Ayoko ksi talaga sa kanila. Sapat na sigurong lesson na to kay Mia para mas lalo akong mag-ingat o kung pwede ay umiwas sa love-love na yan. Sakit lang kasi sa ulo eh ! ampp.

--

Ang haba ng entrance! Alam ko namang hindi obvious na yaw ko talaga sa mga lalake. hay .. I born to hate guys yata talaga.

   My name is Rikka Angela Evangelista. Senior student ng St. Cecilia  Academy. I don't know where to begin the story pero eto siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do Stupid Guys fall in love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon