Nginitian n'ya ako. Dyahe. Ano ba 'tong ginagawa ko? Wala na naman akong masabi. Natotorpe na anaman ba ako? Teka, hindi na pede yan! Game! Lalapitan ko na s'ya! Pero teka... hindi hindi hind! Gagawin ko na talaga 'to! Fight!
Dahan-dahan ko s'yang nilapitan. Pasimoy-simoy. Isang hakbang. Sabay hinga. Lapit ng konti, tsetsempo lang ako! Ayos! Umalis ang mga classmate n'ya. Siniswerte nga naman. Solong solo ko 'sya.
Hinila ko yung silya habang nakatingin sa likod. Pasipol-sipol. Pasulyap-sulyap sa kanya. Nakikiramdam kung mapapalingon ba s'ya sa akin. Sana Oo! Pero wala talaga, nakaearphone pala s'ya. umusod ako ng konti, lumipat akong silya na mas malapit sa kanya. Pasinghap-singhap. Kinakabahan. Ano kaya ang una kong sasabihin? Pero mamaya na yun, dapat makalapit muna ako sa kanya.
Umubo pakunware. Umubo ulet.
Napalingon s'ya sa'kin. Nginitian 'ko naman s'ya. At ngumiti naman s'ya tapos sabay alis ng tingin sa'kin, salpak ulet ng earphone. Badtrip!
Bum'welo ako. Kinanta ko yung paborito kong kanta. Na alam kong paborito n'ya rin. Napatingin s'ya bigla sakin. Nakangiti na naman s'ya. Pinilit kong wag mapalingon sa kanya, baka kasing mahalatang nagpapapansin ako sa kanya. Pero sana mahalata n'ya!
Maya-maya nadidinig ko narin s'yang bumubulong. Ay hindi kinakanta n'ya na pala yung theme song namin. (Theme song agad!?) Oo, dapat lang self-confidence aba!
Hindi nagtagal, halos sabay na kaming kumakanta. Nagkakangitiin kami. Napapasarap narin ang kantahan namin. Pero. Huminto ako. Napahinto rin s'ya. Napatitig sa'kin. Napataas ang kanang kilay. Nagtataka siguro.
Inabot ko ang kanang kamay ko sa kanya, sabay sabing, "Hi! I'm Jerome! Hmm.. And you?", kunyari hindi ko s'ya kilala. Pero hindi ko pa naman alam ang lahat tungkol sa kanaya. Name at course palang naman ang alam ko eh.
Inabot nya rin naman ang kamay n'ya sa akin. Hinawakan ko naman agad 'to! Baka makawala pa! Ang lambot! Tas sinabi n'ya yung name n'ya, ''I'm Drea!".
Andrea talaga ang name n'ya. Cool noh? She's taking up Dentistry. Ako naman Engineer, aba bagay! Sok-pa!
Syempre hindi ko na s'ya tinigilan. Nakipag-kwentuhan na ako ng bongga sa kanya. Mejo inalam ko na ang lahat-lahat. Kala ko nung una masungit s'ya pero hindi naman pala, Depende din sa kausap n'ya. Kumportable naman daw s'ya sa akin kaya hindi n'ya ako gaano tinatarayan. Aba! Nararamdaman ko na. Ito na ang umpisa ng dream came true ko. Konti nalang.
Napatagal din ang kwentuhan namin. Panay tawanan. Syempre paimpres muna ako. Lalo pa akong ginaganahan magkwento dahil sa tawa n'ya. Hindi ko alam kung anong meron sa tawa n'ya. Basta pagnadidinig ko 'to, parang kinikiliti ang buong katawan ko sa sobrang kilig. (Yiiiiiieeehhhhh :'>)
Hindi lang naman ang tawa n'ya ang nakakakilig eh. Yung mata n'ya. Sa mata talaga ako unang tumitingin. Ewan ko ba. Para kasing may something kang mararamdaman kapag tinignan mo ang isang tao sa mata. Lalo na kung magkatitigan kayo. Almost all of my past relationship, doon ko lang talaga nasasabing may something on that girl kaya nafafall ako. Through her eyes only. Then chenen! Parang magic, biglang dadating at bigla ring mawawala. Pero not this time!
Hindi ko narin pinatagal ang usapan. Magdidilim na rin kasi. Inalok ko s'yang ihahatid ko s'ya. pero ayaw n'ya. Pinipilit ko pero ayaw talaga. Eh baka makulitan kaya pinagbigyan ko nalang.
Pero sabi ko kukunin ko nalang ang number n'ya. Hmmm. napa-isip s'ya.
"Okay, type your number nalang here oh", sabay inabot nya sa akin yung phone n'ya.
Pipindutin ko na sana yung.... yung... yung screen. Teka! Sino kaya yung lalaking kasama nya sa wallpaper? OH NOOO! Mejo nagpanic talaga ako nun. Pinagpawisan. Hindi ko maatim na titigan ang screen. Pero nakatitig parin ako.
Napatingin ako sa kanya. Nginitian n'ya lang ako. Napalunok ako. Hindi lang isa. Mga tatlong beses na magkakasunod. Nanuyot bigla ang lalamunan ko. Naramdaman ko bigla ang uhaw at pagod kakakwento sa kanya na wala rin naman palang patutunguhan. Haaaaayyy. T-in-ype ko nalang ang number ko. Sabay save. At dali-daling binigay sa kanya.
Saktong nagring ang phone. Nakita ko pa yung pangalan ng caller... Jim.
Sa loob-loob ko, kamukha ka naman ni Jimmy Santos! Inis! Pero hindi. Gwapo eh. Parang kamukha ko. Haaaay.
Sinagot n'ya ang phone, "Babe? Where are you? I'm waiting you here kanina pa ha? Buti nalang a man accompany me"... tapos "Oh oh yes I'm safe here. He's friendly naman eh."
Okay. Sobra na 'to. Masakit na.
Tumayo s'ya. Ngumiti.
"Nice meeting you Jerome. Salamat nga pala sa oras at kwentuhan ha? Nag-enjoy ako, but I need to go... my boyfriend is waiting for me. Salamat ulet. Bye."
Ngumiti nalang ako. Wala akong masabi kundi, "Bye..."
Gano'n nalang pala yun. Pagkatapos ng effort ko. Ayoko na! *Insert mura*

BINABASA MO ANG
One Seat Apart (one shot story)
فكاهةPano kung nakatabi mo na sya? Ano ang gagawin mo? Ito ang isa sa mga gagawin ko siguro...