chapter16

6 2 0
                                    

Chapter16: the old me

Althea's POV

Tapos na kami, babalik nalang ako bukas para matingnan kung maayos ba talaga yung pagka kagawa ko,,,

"Althea." Nilingon ko si kid,,, ni hindi ko man lang siya naramdaman na nag lalakad siya papalapit saakin.

"O kid? Bakit? Bukas ng umaga babalik ako dito para matingnan kung maayos ba yung pag kakagawa ko." Sabi ko habang tinutuloy parin ang pasikosikot ko sa bawat bulaklak.

"Ah sige,,, yung ano nga pala yung..." nahihiya ba siya? Ano ba kasing pinag sasasabi nito?

"Ano?" Mahinahon kong sabi sakanya

"B-bukas..." hay nako! Nakaka inis na siya! Uso ba ngayon ang mambitin?!

"Ano nga yon? Sabi ko sayo babalik ako bukas."

"Hindi, hindi yon."

"Ano ngayon? Pabitin ka naman." Medyo iritado kong sabi

"Susunduin kita bukas ng ala siyete." Hal?! Oo nga pala! Inaya niya pala akong mag date

"Ayt! Oo nga pala! Sorry di ko naalala eh, sige bukas sunduin mo nalang ako." He gave me a big smile, ngiti na aabot sa tenga niya.

"Thankyou, sige bukas nalang, hatid na kita sa gate." Pag prisinta niya tumungo nalang ako bilang pag sangayon

At our house

"Thea, ikaw daw ang date ni kid bukas? Ayiiii!" Nakaka inis tohng mga toh! It was just a friendly date! At kaya lang ako pumayag para, sa flowershop ni mama!

"Kuya! Umalis ka na nga dito sa kuwarto ko! Mama! Si kuya oh!" Sumbong ko kay mama

"Kahit mag sumbong ka walang makakarinig sayo! Wala dito si mama!" Aish! Bakit ba ang malas ko?!

"Oy andrew! Wag mo nga asarin yang bestfriend ko! Lumayas ka na nga! May pag uusapan kami!" Whooo! Thankyou very much shane!

"At kelan pa kayo naging mag bestfriend ng kapatid ko aber?!" Sigaw ni kuya sakanya

"Matagal na kuya bago ka pa ipanganak! Layas na nga dito kuya!" Sabi ko at tinulak siya palabas ng kwarto ko ng makalabas na siya ay sinara at ni lock ko na yung pinto at humarap kay shane na ngayon ay nakahiga sa kama ko, pero yung paa niya nakalapag.

"Bhez! Salamat sa pag ligatas mo sakin kay kuya ah!" Sabi ko at naupo sa higaan ko

"Wow nag iimprove? Bhez na?" Sabi niya at tumawa

"Ayaw mo? Sige shane nalang itawag ko sayo." Sabi ko at nilaro yung dulo ng buhok ko

"Joke lang! Siyempre gusto ko bhez?" Sabi niya at tinusok tusok yung tagiliran ko

"Ewan ko sayo! Ay bukas nga pala wala kami dito!" Sabi ko nag iba naman bigla yung awra niya na para bang alam niya na wala kami dito bukas.

"Bakit?! Kala ko ba pupunta kayo sa flower fiest?!" Ha?! Pano niya nalaman na pupunta kami don?! Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

"P-papano mo nalaman yan?" Nag tataka kong tanong sakanya

"He invited me, to be his date." Naka ngiti niyang sabi,,, s-si kuya? Ayiii!!! Kinilig ako don!

"Weh?! Si kuya?! Whaaa!!! Kinikilig ako sobra!!!" Sigaw ko at parang bata na hinahampas ng mahina si shane! Naka upo na rin kasi siya eh

"Hehehe." Tanging nasabi niya at yumuko nalang, halata mo sakanya na kinikilig din!

"May isusuot ka na ba?" Excited kong sabi sakanya nag iba bigla yung mukha niya, uh-oh mukang wala pa, ay! Akong bahala!

"Kaya nga nag dadalawang isip ako, kung aatras ba ako sa date namin eh, kasi wala akong maisip na maisuot." Nakayuko niyang sabi

Ngumiti ako sakanya at hinawakan yung dalawang kamay niya "akong bahala sayo! Punta tayo mall ngayon maaga pa naman eh." Sabi ko at hinatak na siya patayo

"W-wag na bhez! Tignan mo nga itsura ko oh? Nakapambahay lang ako." Ibinato ko sakanya yung reap jeans na nakuwa ko mula sa kabinet

"Ayan may pantalon na, ito nalang yung damit." Sabi ko at inabot sakanya yung blouse na kulay blue

Nag palit na rin ako ng damit 2pm palang kaya may oras pa kami! Nag suot ako ng pantalon na light blue at black na blouse. Pag ka labas ko nakita ko si shane! Ang ganda niya! Bagay sakanya yung damit na pinasuot ko sakanya,,,

"Whow! Shane ang ganda mo, ito oh mag lipstick ka tapos foundation." Abot ko sakanya ng makeup kit ko

"H-hindi naman ako marunong gumamit nang mga yan eh." Binuksan ko yung foundation at nilagyan siya sa muka

After ng ilang minutes natapos na kami! Ang ganda niya talaga idag dag mo pa yung rubbershoes na keds ayii!

Nginitian ko siya,,, gandang ganda talaga ako sakanya grabe "Take it, sayo na yang mga yan, pati yang mga make up kit." Sabi ko tinuruan ko na naman siya kung pano gumamit ng mga yon eh

"Wag na bhez, pinaganda mo na nga ako, ibibigay mo pa sakin yang mga yan." Sabi niya hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ulit siya

"Okay lang, may mga pambili naman ako ng mga yan, tsaka pano mag kakagusto sayo si kuya?" Mapang uto kong sabi sakanya nginitian naman niya ako

"Slamat talaga ng marami thea." Sabi niya at niyakap ako, yinakap ko rin siya pabalik

"Sus! Si bhez naman! Ako nga dapat mag thankyou sayo eh, kasi kung di dahil sayo baka di ako bumalik sa dati." Sabi ko habang yakap yakap parin siya

"If i know hindi ako ang nag pabalik sa ngiti mo, si sky kaya yon!" Ha?

"Anong pinahsasasabi mo bhez? Eh lagi nga akong inaasar non eh, tapos pag napipikon pa ako tuwang tuwa pa siya! Psh." Sabi ko at kumalas na sa pag kakayakap ko

"Bakit, kung siya nga natutuwa na napipikon ka kapag inaasar ka niya, bakit tanong ko sayo, ikaw hindi ka ba natutuwa pag siya naman ang napipikon sa mga pinag gagagawa mo?" Napaisip ako sa sinabi niya oo nga naman? Natutuwa ako pag ako ang nangaasar sakanya, at napipikon pa siya... hehehe

"Natutuwa din, alam mo ba natawa ako sakanya? Ilang beses na." Sabi ko

"Oh diba? Edi ibig sabihin siya ang nag pa balik sa dating ikaw, ako naman, napangiti lang kita, siya naman napatawa ka." Sabi niya at tumayo na

"Tara na? Baka wala na tayong maabutan." Aya niya pa sakin, natauhan naman ako sa pag aya niya sakin at tumayo na rin

"Oo nga, baka matraffic pa tayo, may alam akong, fasion mall na pwede nating puntahan." Sabi ko at ngumiti ng pagka lapad lapad

"Saan naman?" Nag tataka niyang sabi sus?! Wala ba siyang tiwala sakin?

"Basta, mag tiwala ka lang." Sabi ko at hinatak siya pero di siya nag pa tinag at nanatili lang nakatayo doon.

"Hindi ako aalis dito hanggat di mo sinasabi kung saan tayo pupunta." Sabi niya at nag cross arms!

"Dun tayo sa fasion boutique ni tita lohr!" Sabi ko at hinatak na siya, si tita lohr ay yung kaibigan ni mama, sakanya nag papatahi si mama ng mga gowns, pag may mga spesiyal na okasiyon, di na siya pumalag, siguro naman kuntento na siya don?

Itutuloy

_____________________________

The Cold Hearthed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon