*****
Mateo's POV
Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito title ng story namin... Kung sa inyo wala lang yang inumin na yan, pwes sakin importante yan at may isa akong dahilan kung bakit yan mahalaga sakin... 28 pesos lang kasi yan sa school namen. Eh mura eh... Pake nyo ba. Deee. xD
Syempre may dahilan kung bakit ganito noh. Kase, nang dahil sa masarap na juice na yan. For the first time, "nakita" ko yung GF ko...
Last year...
Ui! May nagtext. Wait... Si Labs pala! Sabi nya, Sorry ha? Hindi kase ako makakapunta sa Moon Leaf ngayon. Pupuntahan ko pa kasi yung bago kong school eh. Sorry talaga ha...
Wait. Nag-iisip pa nang irereply...
Haaaa?! Practice na naman?! Anong kalokohan yon?! Kelan ba tayo magkikita?, Yun mismo yung sinend ko at yung reaksyon ko. After a few minutes, nagreply sya. Sabi nya, Wait. Mamaya ka na lang magtext. Ano daw? Mamaya? Lagi na lang syang ganon... Haaayy....
Ay! Oo nga pala. Ako si Mateo Gudicelli. Este Macaroni. Este... Mateo. Yon. Yun na nga lang. Isa akong 4th year student sa school namin. Hindi ako matalino. In fact, isa ako sa mga bugoy sa school namin. Tambayan ko din ang Guidance office ng school. Bestfriend ng mga parents ko yung mga tao dun. Pero sa lahat ng yon, may isang magandang characterisitic ako. Gwapo. Dalawa pa pala, sweet and gentleman naman ako sa mga babae. Minsan. xD
Btw, si Labs nga pala yung GF ko na nakilala ko lang through text. Naging magtextmate kami and then nagkainlaban. Alam ko medyo kakaiba yon pero oo. May relationship kami. Pero sa tagal na naming magkatext, ganun din kami katagal na hindi nagkikita. Hindi ko pa sya nakikita. Lagi kasi syang may dahilan...
So yon. Sa sobrang kabadtripan, pumunta ako ng school para mag-unwine. You know... Titingin ng maganda. Freshmen Orientation kase ngayon sa school. Baka sakaling makakita. Hindi naman ako nadisappoint. Marami namang magaganda. xD
After some point, nauhaw ako. Pumunta ako sa kaharian ko, ang school canteen. Nagbayad muna ako kay Ate bago ko kunin yung C2 Litro ko. Gawain ko talaga yon...
Nung kukunin ko na yung C2 ko, biglang may kumuha na lang non basta basta. At dahil nag-iisa na lang yon, I can't let that one escape.
"Aah, miss. Ako nauna dyan. Nag---"
"Bulag ka ba? Ako kaya nauna! Asdfjkl"
"Binayaran ko na kasi yan eh."
"Ah. Ganun ba? O sa'yo na."
"Pahiya sya eh..."
"Ah. Ganun pala ha... O, isaksak mo sa baga mo!"
Ang sungit naman nung freshman na yon. Bago pa lang sa school eh. Pero I must say: cute sya. x) At sexy... Deee. Bigla ko na lang naalala si Labs. Hindi ko pa rin sya maalis sa isipan ko...
*****
Angel's POV
Patayy... Ayoko pang pumasok. Ayoko pa... T.T Hindi ko namalayan na tapos na pala ang summer. At mas lalong hindi ko namalayan na HIGH SCHOOL STUDENT NA PALA AKO!
Ako nga pala si Angel. Angel lang. Isang freshman student. Maganda daw ako. Pero masungit rin daw. Ayos na yung una eh. Panira yung sumunod. Ewan ko kung bakit ganun yung sinasabi nila. Pero kung makikilala nila ako ng mabuti, mabait naman ako. xD
First day. Uhmmm... medyo ayos naman ako. May mga nakilala. Mga bagong kaibigan. Pero parang may kulang eh... Ewan ko kung ano. Ah! Oo! Walang nagtetext sakin...
BINABASA MO ANG
C2 Litro
RomanceIsang normal na inumin. Isang litrong bote na may laman na napakasarap na juice. Pero malay mo, sa ibang tao, importante pala ito.