A/N: Mhm... para to sa kaibigan ko, ay hindi pala, sa pinaka bestfriend ko dito sa wattpad na adik na adik sa kaisa-isang tao. Para sayo to oh! ;)
-----
Nakapangalumbaba ako sa desk ko at iniimagine na hinahawak ng kamay nyang smooth ang kamay ko tapos nakangiti siya saki-
"SHAYNE!"
"OH?! ANO NANGYARE?!" Bigla akong napatayo at napansin na ang seatmate ko at ako nalang ang natira sa classroom. Napabuntong hininga sya at tinuro ang pintuan. Napataas naman tong mga eyebrows ko.
"Gusto mo akong palabasin? Aw.. akala ko magkaibigan pa naman tau..." Ang sabi ko habang pinapalo sya ng onti. Bigla nya akong hinila at...
HIMALA!!!
"KYAAA!!!" Ang sabi ng mga karibal ko...
Ah.! Natanong nyo kung bakit karibal ko sila?
Kasi... ang pinakamamahal ko sa buong mundo mahal din nila! Ang pangalan nya : KEI!!
OH GOSH! Para sakin, siya ang pinakamagwapo na lalaki sa buong universe, kung gusto nyo sa pinakailalim pa ng space eh!
Kaso lang.. ang pinaka No. 1 problem ko ay marami akong karibal. Tignan nyo nga oh, nagli-lineup sila na para syang prinsipe..!
Pero di ako naiinis noh, kahit maging prinsipe ko lang siya, masaya na ako!
"Ayan nanaman sila oh... Kung pwede lang barilin tong mga to eh, gagawin ko na ngaun." Ang sabi ng aking pinaka bestfriend dito na kumukunot na ang noo at mukhang mamamaril na ewan. Tapos
.
.
.
Biglang napalaki ang mga mata ko in realization,
"W-Wag mo sabihin gusto mo din ang Prince Kei ko!!!??"
Pinalo nya ako at sumigaw (di naman masyadong malakas..) "Ano ka ba! Meron akong sariling love noh!"
Tumawa kaming pareho.
UY! Di ko pa pala nai-introduce ang sarili ko noh..
Ako nga pala si Shayne. Ako'y cute at syempre grabe maka fangirl sa aking crush. Kulang nalang eh matanggal ang lungs at dila ko pag sumigaw ako. Ang sabi daw ng iba di na daw to crush eh, obssession na daw to. Wew, ano naman? Diba? :)
At tuwing nakikita ko syang dumaan sa hallway... ako'y parang mahihimatay na ewan. At tuwing ngumingiti sya, nasa langit na ako. UGHHH... Nakakapamatay ng puso yang si Kei. Mas matanda siya sakin ng isang taon. Yung pinakagusto ko sakanya ay ung mga kamay nya. Balita ko ung mga nakahawak daw sabi smooth na smooth daw!! OHEMGEE! BABARILIN KO KUNG SINO MAN UNG MGA HUMAWAK.
EHEM.
Anyway, as I said, ung mga kamay nya nga. Tapos ung parang girly smile nya. Di ko sinasabing bading sya ah, un nga ung charm point nya sa mga tao eh. Tapos matalino daw sya!! Ang gusto nya daw maging ay...
Architect!
OHEMGEE!! Yun na nga rin kukunin ko!
Kung kaya ko nga lang...
"Shayne, punta na tau canteen."
Napa tigil ako sa mga iniisip ko at um-oo nalang sa kanya. Napatingin din ako sa mga babae at nakita kong onti onti nalang silang nawawala. Wala na rin si Kei...
Pumunta kami sa canteen at umupo sa iisa sa mga tables. As usual, meron nanamang formed circle dun sa table na inuupuan nila...
Pwede nga ba sila pagbabarilin para makakain sila ng maayos?