Chapter 17

13.4K 209 29
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 17

Georgina



Ang tagal naming nasa ganoong posisyon ni Blesie–magkayakap. Matapos niyang mapa-mura dahil sakit na nararamdaman, hindi na ulit siya kumibo. Akala ko natulala na lang o ano. Pero nang bahagya akong kumawala sa kanya, nakita kong nakaidlip na pala siya. Pagod siguro ito. Kagabi pa siya naglalasing hanggang kaninang umaga.

"B.." Sinubukan ko siyang gisingin. "B, sa taas ka na matulog."

Wala sa sarili niyang iminulat ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pagtapik ko sa braso niya.

"Nakatulog na pala ko. Sorry. Ano na nga bang pinag-uusapan natin?"

Umayos siya ng upo. Lalong pumungay ang mga mata niya. Halatang bagong iyak. May basa-basa pa sa pisngi niya. Hindi pa natuyo ang luhang iniyak niya kanina.

"Bukas na lang ulit, B. Magpahinga ka na. Nakatulog ka na nga, o."

"Hindi. Kaya ko pa." Umandar na naman ang kakulitan niya. Sa kalagayan niya ngayon, kailangan kong maging strict sa kanya.

"Hindi na lang sarili mo ang kailangan mong alalahanin ngayon. Dalawa na kayo. Please, wag nang matigas ang ulo. Nagpabaya ka na kagabi at kanina dahil sa pag-iinom mo gayong alam mo naman na may laman na yang tiyan mo," sermon ko. "Ingatan mo ang sarili mo, B."

"Sorry na. Nasaktan lang talaga ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ininom ko na lang. I am alone in the house last night. Pagkakita ko ng text message sa phone niya, nahiga na lang ako at nagkunwaring natutulog kahit hindi ko naibalik sa dati ang gamit niya. Sinadya ko yun para mapansin niyang pinakialaman ko. Kauuwi niya lang galing sa office pero nagbihis na agad siya at umalis. Laging ganoon. Hanggang sa na-confirmed ko na."

Sabi ko magpahinga na siya pero heto't nagkukwento pa rin. Ako naman, nakikinig. Sumulyap ako sa wall clock sa sala, maga-alas otso pa lang naman.

"Gusto mo sa guest room na tayo magkwentuhan para deretso tulog na rin?" pagputol ko sa pagsasalita niya.

"Hindi ka sa kwarto niyo matutulog? Walang kasama si George."

"Natutulog na siya...sa kwarto ng mga bata." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Oh I see. Sige, tara sa guest room."

Hindi niya na pa ako tinanong. Alam kong naiintindihan niya nay un. Salamat rin at kumalma na siya.

Ganoon naman diba? Kapag nasasabi mo na ang ilan sa nagpapabigat sa dibdib mo, kahit papaano gumagaan ito.

"Una ka na," ani ko sa kanya. "Kuha lang ako ng chips."

Tumango si B at umakyat na. I headed to the kitchen. Nag-check ako sa fridge kung ano ang magandang inumin ng mga may pinagdadaanan ngayong gabi . Not counting the wine or any alcoholic beverages, of course. Sa huli, kinuha ko ang isang litrong Chuckie ni Geeo. Favorite niya kasi ito kaya marami kaming stock. Hindi naman yun magagalit kung kukuha ako ng isa diba? At ang chips dapat ay naging flakes. Dumukot pa ko ng isang maliit na pack ng Coco Crunch.

Pagkakuha ko ng dalawang baso ay sumunod na ko kay G sa guest room. Ilang segundo pa ang itinunganga ko sa pintuan ng kwarto namin ni George. Gusto ko sanang silipin siya. Baka bumalik na siya sa kwarto namin. Baka dun na siya matutulog at hinihintay ako. Pero masasaktan lang ako kapag malaman kong wala siya roon. I shook my head to erase all my thoughts. I sighed.

Dalawa ang guest room namin ditto sa bahay. Noong wala pang one year old si Gia, dito lagi nags-stay sina mama. Sina Athan din at iba pang pinsan. Doon kami ni B matutulog sa guest room sa dulo ng second floor. Baka kasi bigla na lang ako mapasigaw at humagugol , marinig pa ni George. Though alam ko namang hindi naman ako ganoon magiging ka-OA. Medyo humupa na rin ang tensyong nararamdaman ko dahil pinahapyawan na ko ni B ng kwento.

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon