MY ONLINE ROLLERCOSTER LOVE

145 2 4
                                    

Si James, isang lalaking mahilig sa online games at makipag socialize sa mga social networking sites. Naadik siya sa computer lalo na pagbakasyon. Simula alas syete ng umaga hanggang alas tres ng madaling araw makikita mong online si James. Paano ba naman kasi wifi ang bahay nila. Mahilig siyang mag DOTA. Kahit siguro hindi siya kumain sa magdamag ay ok lang basta't hindi siya matalo. Maliban sa DOTA nahumaling din siya sa isang micro-blogging site, ang TUMBLR. 

Nang biglang nakilala niya si Alysa, isang tumblogger. Isa siya sa mga hinahangaan sa tumblr hindi lamang sa galing niya mag blog kundi sa kanyang aking kagandahan. Siya yung blogger na sagana sa followers pero hindi snob. Kaya mas lalong maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa angkin nyang karikitan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pati puso ni James ay napukaw niya. Ngunit may problema, may girlfriend si James. Mag tatatlong taon na sila ng kasintahan niyang si Yvette. Magkaschoolmate lang silang dalawa. Pero senior si James at junior lamang si Yvette. Ibig sabihin freshmen palang si Yvette, ay naging sila na ni James. (Wow naman lakas maka-pbb teens netong kwentong to). 

Paano na yan? Nagkagusto ang ating bida sa isang babaeng sa internet nya palang nakikita at ang mas malalang problema may girlfriend siya. Pero love na nga ba itong nadarama ng binata? Sa tumblr at cellphone nya lang nakakausap si Alysa. Hindi niya pa ito name-meet ng personal. Pero kapag katext o kausap nya sa internet si Alysa ay iba ang saya nyang nadarama. Ikaw sa tingin mo love naba ito? Kung mahal na nga eh sino ang pipiliin niya? Si Alysa na sa internet nya lang nakilala? O si Yvette na mag tatatlong taon na niyang nobya? Abangan ang mala ROLLERCOASTER na lovelife ni James.

MY ONLINE ROLLERCOSTER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon